❝PAALAM❞
Ano nga bang nangyari sa atin ngayon?
Hindi ba masaya naman tayo noon?
Bakit ibang iba na ang sitwasyon?
Dating tawanan,
Ngayo'y napalitan ng away at sigawan.
Dating kilig
Ay napalitan ng panlalamig.
Tamis ng ating pagmamahalan,
Unti unti nang tumatabang.
Tila tayo'y larawang kumukupas
Habang ang panahon'y lumilipas.
Hindi na tayo masaya sa isa't isa.
At ang ating relasyon ay lumalabo na.
Pagkakaintindihan ay unti unti nang nawawala.
Tama nga ang kawikaan nila.
Lahat ng sobra ay masama.
Lahat ng bagay may katapusan.
Lahat ng bagay ay may hangganan.
Siguro'y dapat na nating wakasan
Relasyon nating wala nang patutunguhan.
Kung hindi ay pareho lang tayong masasaktan.
Patawad kung kailangan na kitang bitawan.
Patawad aking mahal, kailangan na kita pakawalan.
Labag man sa kalooban ko
Na sayo'y lumayo,
Ngunit kailangan kong gawin.
Para sa ikabubuti natin.
Pagod na akong umasa
Na babalik pa tayo sa dati.
Wala na kasing pag asa
Itong relasyon nating away bati.
Yung dating tayo,
Nahati't naging ikaw at ako.
Kumupas man ang ating nararamdaman,
Sana'y manatili tayong magkaibigan.
Salamat sa mga alaalang ating binuo.
Salamat sa lahat mahal ko.
Handa na akong ikaw'y iwanan,
Paalam.