❝Nakakapagod Rin❞
Hindi ko naman ginusto
Na mahulog sayo.
Pero ano nga bang magagawa ko?
Wala na siguro.
Kasi nandito na ko.
Nasa puntong nagpapakatanga na sayo.Noon, araw araw akong umaasa.
Naghihintay na magreply ka.
Sana magreply ka sa mga chat kong walang kwenta.
Puro mema kumbaga.
Bakit ba?
Eh sa wala akong maisip na tamang salita.Sa tagal ng paghihintay ko,
Minsa'y nakakatulog na ako.
Kahit isang like zone lang ginoo.
Makukuntento na ako.
Kahit isang tuldok lang mula sayo,
Masaya na ako.Pero ano?
Wala ni isa sa chat ko
Ang nireply-an mo.
Minsan naiisip ko nang sumuko.
Dahil ano nga bang paki alam mo?
Di ba wala naman akong halaga sayo.Isang himala ang nangyari.
Ikaw ay nagreply sandali.
Sa aking pagmamadali,
Mga tipa ko ay mali mali.
Sa susunod mong reply ay di ako mapakali.
At sa aking tyan ay parang may kumikiliti.Simula noon,
Parati na tayong nag-uusap buong maghapon.
Kwentuhan dito, kwentuhan doon.
Hiling ko na sana ay parati tayong ganoon.
Ngunit lahat ng iyan ay nasa "noon"
Noon na parte na lang ng kahapon.Nang magtapat ako sayo.
Kabadong kabado ako.
Alam ko.
Alam kong wala kang balak saluhin ako.
Wala kang balak pahalagahan ako.
Alam ko na ang sasabihin mo.Nawalan ako ng gana.
Nawalan ako ng ganang kausapin ka.
Nakakasawa.
Nakakadala.
Mga tumatakbo sa isipan kong kataga.
Kaya't napagdesisyunan kong sumuko na nga.Makakamove on rin ako.
Parating sinasabi ko sa sarili ko.
Pero yung puso ko,
Ready pa rin daw magpakatanga sayo.
Kahit na sabi ng isip ko,
"Wala nang patutunguhan ito."Ginoo, nakakapagod rin.
Nakakapagod ka ring mahalin.
Nakakapagod ring mahalin,
Ang tulad mong walang paki sa akin.
Nakakapagod ring paulit ulitin
Na kahit kailan ay hindi ka para sa akin.