VI

1 0 0
                                    

❝BURDA NG PANAGINIP❞

Bakit ba kita iniiyakan?
Bakit lungkot ang nararamdaman
Tuwing pangalan mo'y sasagi sa isipan?
Ang bigat sa pakiramdam.
Hindi nila ako pinaniniwalaan
Na nakilala kita sa aking panaginip lamang.
Bakit sa t'wing pipikit ako,
Aking nasisilayan ang chinitong mukha mo?
Ano bang kabaliwan ito?
Ang sabi nila,
Imahinasyon lang kita.
Utak ko lang daw ang may gawa.
Ngunit umpisa pa lamang alam kong may kakaiba na.
Kapag aking inaalala
Yaong panaginip na kasama ka,
Tila hinahalukay ang aking puso't kaluluwa.
Pakiramdam'y bumibigat at namumuo ang mga luha sa mata.
Halos tatlong taon na mula nang ikaw'y mapanaginipan.
Subalit hanggang ngayon kinukulit mo pa rin ang aking isipan.
Habang tumatagal ang panahon,
Nalulunod ako sa mga tanong.
Mga tanong na ginugulo ang sistema ko ngayon.
Bakit ba ako nasasaktan?
Lahat ng ito ba'y nagkataon lang?
O baka naman may dahilan?
Bakit sa panaginip ko'y dumalaw ka?
Ano bang koneksiyon natin sa isa't isa?
Ako lamang ba'y asumera?
Ako lamang ba'y umaasa?
Nakahihibang mag isip.
Hindi ka naman awit,
Pero bakit paulit ulit
Sa aking pandinig ang 'yong pangalan?
Bakit lagi kang nababanggit 
Sa aking mga kaibigan?
Dahil dito sa panaginip,
Nakararamdam ng labis na sakit.
Ngunit walang ideya kung bakit.
Alam kong hindi ka na mawawala
Dito sa aking diwa.
Alam ko ring magiging parte ka na
Nitong aking alaala.
Chinitong ginoo, salamat.
Dahil may mas natutunan ako sa panaginip kaysa sa realidad.
Salamat sa alalang ibinurda nitong panaginip.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon