❝Sayong Mata❞
Tuwing ika'y nasusulyapan ko,
Agad kong tititigan ang mga mata mo.
Ewan kung bakit ganito.
Ewan kung bakit may ibang nararamdaman ako.Anong meron sayong mata?
Bakit parang may kakaiba?
Bakit ako'y naaakit sa t'wing mata mo'y nakikita?
Ikaw ba'y may ginagawang mahika?Naaadik na yata ako
Sa mga mata mo.
H'wag naman sana ano?
Baka matokhang ako.Baka kapag natokhang ako,
Ikulong ako dyan sa puso mo.
Ang chessy ko?
Pake mo?Sayong mata ako'y nalulunod.
Sayong mata ako'y nahuhulog.
Dahil sayong mata'y napapawi ang lungkot.
Dahil sayong mata'y nawawala ang takot.Di mo siguro pansin,
Na ako'y parating nakatingin.
Dahil sa iba ka nakatingin.
Balang araw, ako'y mapapansin mo rin.Tingnan mo naman ako.
Nang masulyapan kong maigi ang mga mata mo.
Ako'y nagsusumamo.
Dahil pagod na akong tingnan ka mula sa malayo.Sa mga sulyap kong panakaw,
Ito ang kumukumpleto sa aking araw.
Makita ko lang ang iyong mga mata,
Ako'y kuntento na.