CS

206 1 0
                                    

Mag-aalas onse na nang gabi noon ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ruki. Katatapos lang niyang gumawa ng sangkatutak na project at ngayon lang siya nakahinga ng maluwag dahil natapos na niya lahat.

Napagpasyahan niya na maglaro na lang ng paborito niya na COUNTER STRIKE sa kanyang PC. Pinatay na niya ang ilaw sa kanyang silid at tanging ang ilaw nalang ng PC niya at ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Wala namang sisita sa kanya kahit dis oras ng gabi dahil mag-isa lang naman siya sa inuupahang apartment. Nag-aaral na kasi siya ng kolehiyo at kahit malayo sa pamilya ang paaralang pinapasukan sa isang lungsod ay kaya naman niyang tiisin.

May naglink na isang kaibigan sa kanya na may bago na namang kagagawang level. Binisita niya ito at swerte dahil naka-unlock na. Ginanahan naman agad si Ruki at linaro agad ito.

Tira lang siya ng tira sa sinumang makita niyang kalaban. Hanggang sa napadpad siya sa isang zone na napakadilim. Pakonti-konting ilaw lang sa paligid at hindi sapat para makita lahat ng kalaban.

May isang papalapit sa kanya na kakaiba sa mga natitira niya. Marahil ay bago lamang itong kalaban kaya iba ang anyo. Naririnig din niya ang kaluskos nito na tanda na papalapit ito sa kanya.

Pinagbabaril lang niya ng pinagbabaril ngunit hindi pa rin mamatay hanggang sa nakalabas na siya sa madilim na parteng iyon ay nawala na lang bigla ang kalaban kanina.

Binalewala na lang niya ito at nagpatuloy sa paglalaro. Ilang ulit din na nagpabalik-balik sa kadilimang iyon si Ruki at gayon din ang kalabang hindi niya mapatay patay. Napansin niya na sa dilim lang lumalabas ang kalaban na ito.

Palakas ng palakas ang mga kaluskos nito habang papalapit. Kahit anong baril niya ay wala pa ring nangyayari dito. Hanggang sa maubos na ang kanyang bala at napuruhan na rin ng kalaban.

Nawalan na siya ng gana pang maglaro at dinalaw na din siya ng antok. Napagpasyahan niya na matulog na dahil mag-aalas tres na pala ng madaling araw. Pinatay na niya ang kanyang kompyuter. Hinintay na muna niya iyong mag-shut down.

Naghihikab pa siya at bigla'y nagsitaasan ang kanyang mga balahibo sa mga kaluskos na naririnig mula sa loob ng kanyang kuwarto. Wala naman siyang ibang kasama rito.

Palakas ito na palakas. Na-freeze siya sa kinauupuan at napatitig sa screen ng kanyang PC.

Nakita niya ang isang animoy anino na papalapit sa kanya. Katulad ito nang sa kalaban niya sa Counter Strike kanina na hindi man lang niya minsang mapatay-patay.

KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon