KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Putek na alarm clock na yan. Di ko naman sinet ah. Bat tumunog?? Pinindot ko nalang para matigil. Nakapikit akong ginawa yun dahil antok na antok pa ko.
Nakabalik agad ako sa pagtulog. Wala pang limang minuto nang ---
KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Putaena na yan. Tuluyan nang nagising ang inis na inis kong diwa. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock. Alas tres ng madaling araw.
Nagkakahulan ang mga aso sa labas ng bahay. May mga umaalulong pa.
Kainis naman. Alangan naman na iset ito ni mama ng ganitong oras. Tss, kashungaan.
Pinindot kong muli ang alarm clock para matigil na. Hanggaang sa paggising ko ng umaga ay hindi na tumunog pa ito.
Tinanong ko si mama kung sinet niya ba ang alarm clock ko pero hindi naman daw.
Ika bente tres ng Hunyo. Sa saktong alas tres ng madaling araw at tumunog na naman ang alarm clock ko.
Di kaya may sira lang ito? Second hand kasi at napagtripan ko lang bilhin dahil mura.
Pero bakit... bakit laging alas tres lang ng madaling araw tumutunog eh tuwing sineset ko sa umaga hindi tumutunog. Pfft.
Nabuwsit na ako dahil pagod pa naman ako magdamag sa trabaho ko. Tinanggal ko ang baterya nito at ipinagpatuloy ang pagtulog.
Makaraan ang ilang sandali'y...
KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
P*TAH... Hindi ko na napigilan pang magmura. Ang sarap ng panaginip ko tapos tutunog itung---
Shet!!!
Paanong may tutunog na alarm clock eh tinanggal ko na and baterya nito.
Ninenerbyos man ay inabot ko ito sa side table at hinagis sa pinakamalakas kong puwersa sa sahig. Nagkanda pira piraso ito. Binalewala ko nalang at natulog na.
after 30 minutes
KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Juskupo. Hindi maaaring mangyari ituu. Wala naman akong cellphone. Sira na ang alarm clock ko pero ano iyon??
Wala akong ibang kasama sa bahay.
Napabaligtad ako sa kama at nahulog. Tumama ang siko ko sa isang bagay. Kinapa ko ito sa gitna ng kadiliman sa aking silid.
Paanong nabuo itong muli??
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
ALARM CLOCK ko
........
sinong natutulog mag isa sa kwarto? may alarm rin ba kayo? *evil laugh*
BINABASA MO ANG
Katatakutan
HorrorKoleksiyon ng mga pantasya at hango sa totoong karanasan na mga kuwento.