Payasong Manika

105 0 0
                                    

Mayroong batang lalaki na naregaluhan ng payasong manika sa kanyang kaarawan. Ang manika ay halos kasingtangkad na niya, na mayroong anim na daliri. Itinanong ng bata sa kanyang mga magulang kung bakit anim ang daliri ng manika ngunit hindi rin nila alam kung bakit.

Sa pagkagat ng dilim, inilagay ng batang lalaki ang payasong manika sa kanyang tumba-tumba pagkatapos ay natulog na.

Nagising siya sa hindi magandang tunog. Matinis ito. Bumangon siya, kinuskos ang mata at saka tumingin sa paligid ngunit wala siyang anumang nakita. Tinignan niya ang bintana kung nakasara ito, at oo naman kaya bumalik na uli ito sa pagkakatulog.

Kinabukasan, ipinagbigay-alam niya sa mga magulang niya ang nangyari kagabi. Binalewala lang nila ito at sinabing isa lang itong masamang panaginip.

Pagkagat uli ng gabi, ngayo'y may bagyo na. Pumunta ang batang lalaki ang kwarto niya at siniguradong nakasarang mabuti ang mga bintana nito saka natulog na. Nagising siyang muli sa matinis na tunog. Bumangon siya at nakitang gumagalaw ang tumba-tumba. Binalot ng takot ang batang lalaki.

Pagkakidlat, saktong nailawan nito ang payasong manika na nakatayo. May hawak itong kutsilyo at may tumutulo pang dugo.

Naglakad ito papunta sa direkayon ng batang lalaki na ngayo'y takot na takot na at umiiyak sa paghingi ng tulong.

Itinutok ng payasong manika ang kutsilyo sa leeg ng bata at itinarak ito.

Kinaumagahan, isa sa mga kamag-anak nila ang napadalaw para bumisita ngunit kahindik-hindik na pangyayari ang bumulaga rito.

Ang buong pamilya ay pinatay at ang batang lalaki ay nakahawak ng kutsilyo at ang payasong manika at katabi nito na nakangiti ng malaki at ngayo'y mayroon nang Pitong Daliri na dati ay Anim lang.

KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon