Bawat huling araw ng buwan, isara mo ang kurtina sa kwarto mo bago ka matulog. At sa kalagitnaan ng gabi at nakarinig ka ng katok sa iyong bintana, huwag mong imulat ang iyong mga mata.
Kapag isa ka sa mga minalas, makakarinig ka ng mga kaluskos mula sa labas ng iyong bintana. Hindi ito kaibigan. Pumikit ka nalang. Lalakas ang mga kaluskos at bibilis ang pagkatok. Huwag mong pairalin ang kyuryosidad mo, huwag kang gagalaw. Baka maubusan iyon ng pasensya, kakalampagin niya ang iyong bintana. Para itong gigibain at lalong lalakas ang tunog. Magiging bayolente ito at halos durugin na ang salamin ng iyong bintana. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi masisira ang bintana mo. Utang na loob lang, huwag mong imulat ang iyong mga mata. Kahit na takot na takot ka na at gusto mo nang sumigaw sa takot. Magkunwari kang wala kang naririnig at kunwari'y natutulog.
Makaraan ang ilang sandali, titigil ang mga tunog. Manatili ka lang, ipikit mo ang iyong mga mata. Subukan mo nalang matulog kung kaya mo. Huwag kang bumangon at sumilip kung anuman iyon, hanggang sa sumikat ang araw.
Sa mga magmumulat ng kanilang mga mata, hindi lang natin alam kung anong mangyayari.
BINABASA MO ANG
Katatakutan
HorrorKoleksiyon ng mga pantasya at hango sa totoong karanasan na mga kuwento.