Ano iyon? Sino iyon?

90 0 1
                                    

Isang gabi, naglalaro ako ng PlayStation 2 sa kwarto ng mga magulang ko. May kinuha lang ako sa kwarto ko at bumalik din agad.

Narinig kong may nagbukas ng pinto at may kung anong kinuha sa kabinet sa likod ko. Ngunit hindi ko na inatubiling tignan.

Makalipas ang sampung minuto, pumunta ako sa sala para tingnan kung sino ang pumasok kanina sa kwarto. Nakita ko ang kapatid kong nanonood ng telebisyon. Si dad ay natutulog at si mom naman ay nasa trabaho.

Apat na buwan ang nakalipas, ganitong eksena din ang nangyari sa mom ko, 5:30 ng umaga. Nasa trabaho si dad at kami naman ng kapatid ko ay mahimbing na natutulog. Ngunit ngayon, anuman o sinuman iyon, pumasok siya sa banyo, isinara ang pinto, lumabas at isinarang muli ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon