Mary White

93 0 0
                                    

Nag-sleep over ako sa bahay ng kaibigan ko. Masaya ang araw ko. Kasama pa naming nagkwentuhan ang kapatid niya. Wala kaming kaalam-alam na mayroon palang weirdo'ng mangyayari. Naglaro kami ng kung anu-ano da loob ng apat na oras, at nang alas dyis na ng gabi, lumabas kami at pumunta sa bakuran nila. Sa harapan namin ay mayroong tatlong puno, pero parang may mali. Mayroon itong mapupulang mga mata tinititigan at minamanmanan nila kami. Napatayo lahat ng balahibo namin kaya pumunta nalang kami sa loob ng kwarto ng kaibigan ko at dumungaw sa bintana. Parang may umakyat sa puno.

Binalikan namin ito kinabukasan, may dugo sa sahig nito. Tinanong namin kung may lumabas ba kagabi ngunit wala naman daw. Chineck namin ng kaibigan ko kung ano ba ang mga nagdaang pangyayari at napag alaman namin na may pinatay doon.

Naglaro kami ng Ouija ang ang pangalang "Mary White" ang resulta. Kumaripas kami ng takbo at hindi na muling bumalik pa sa bakuran.

KatatakutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon