Chapter Fourteen:
" Shintaro Midorima's Point of View "
Kinabukasan ay pumasok ako na parang zombie. Puyat. Ikaw kaya maghintay hanggang ala-una ng madaling araw. Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko.
Pagpasok ko ng classroom ay napakagulo nila. Ang ingay. May nagkakantahan sa gilid,may nagbabatuhan ng mga crumpled paper at maliliit na chalk.
( Love Dust's note:
Gawain namin ito when I was in highschool)
Pero ngayong araw,wala ako sa mood para makisali sa kaguluhan nila. Dumeresto ako sa upuan ko at doon dumukdok.
" Tetsuya Kuroko's Point of View "
"Do you feel like a man
When you push her around
Do you feel better now as she falls to the ground
Well I tell you my friend
One day this world going to end
As your lies---"
"Taiga,tumigil ka na nga. Ang sakit mo sa tutuli." putol ko sa pagkanta niya. Feeling rockstar pero di naman. Trying hard masyado. Kumakanta siya habang naggigitara si Hiroki- isa mga classmates namin.
"Walang basagan ng trip Tetsuya! Game na ulit Hiroki! From the top!" sabi niya at nagsimula namang tumugtog si Hiroki.
"Hey girl you know you drive me crazy
One look puts the rythm in my hand
Still I never understand why you ---"
*PAK!*
"Ampdjmwdpjm!!! Aray ko! Ang sakit! Ano bang problema mo Tetsuya?!" sabi ni Taiga habang namimilipit sa sakit.
"Sinabi na ngang ang sakit mo sa tutuli." tinatanong niyo ba kung bakit siya nagkakaganyan? Ito po kasi ang ginawa ko,hinampas ko lang siya ng libro sa ulo and take note,hard bound pa ang librong ginamit ko.
"Pero tama bang hampasin ako??!!!" kahit kailan talaga ang sakit sa tenga ni Taiga.
Tiningnan ko si Shintaro na tahimik at nakayuko sa desk niya. Alam ko kung bakit siya nagkakaganyan. Isa lang naman ang dahilan. Walang iba kung di si Grace.
LUNCHBREAK:
"Shintaro,may balak ka bang kainin niyang food mo? Kung wala akin na lang!"- Ryota
"Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka?"-Daike
"Alam ko ang problema niya." biglang sabi ni Taiga
"Ano?"-Ryota
"Wala kasi siyang girlfriend.Gusto mo Shin hanapan kita?"-Taiga
*PAK!!*
"Aray! Ano ba?! Nakakadalawa ka na Tetsuya!" himutok ni Taiga. Hinampas ko kasi ng kutsard yung noo niya.
"Wag mong itulad sayo si Shintaro,Taiga" sabi ko.
"Ano bang problema kasi?"-Taiga
"Si Grace ba?" -ako. Agad namang tumingin sa akin sa akin.
"Oo"maikling sagot niya.
"Ano bang nangyari?"- Ryota
"Hindi kasi siya nakipagkita sa akin kahapon. Naghintay ako sa kanya until 1 am."
"Wow! Naghantay ka ng ganoong katagal? Di ko kaya yun pre!"- Taiga
"Eh baka naman di pinayagang lumabas o kaya naman ay umalis. Isang araw palang na di kayo nagkikita,nagkakaganyan ka na. Baka importante lang ang ginagawa niya." sabi ni Ryota. Nagtanguan naman kami ni Daike sa sinabi niya. Si Shintaro naman ay ganoon pa din.
BINABASA MO ANG
Grace, The Girl I love
Romance"Bakit siya?! Ako na matagal mo ng kakilala hindi mo minahal pero siya..." bumuntong hininga ako bago sumagot. "Kasi siya si Grace. Si Grace na mahal na mahal ko."