Chapter Nineteen:
" Shintaro Midorima's Point of View "
"Ah nga pala Hina,ito nga pala si Grace kaibigan ko at ito naman ang kapatid niya si Junpei" pakilala ko.
"Hi! Ako pala si Hina."
"Junpei. Inform lang kita,hindi kasi nakakapagsalita ang kapatid ko."- Junpei
"Ah ganoon ba?"
"O tara na, kumain na tayo." sabi ko. Pinaghila ko ng upuan si Grace. Syempre gentleman ako.
Ganito ang set up namin:
Ako-Grace-Junpei-Daike
[ TABLE]
Tetsuya-Hina-Taiga-Ryota
Marami akong inorder na pagkain. May beef stake,spaghetti,seafood kare-kare at marami pang iba. Kanya-kanya ang mga pinag-uusapan hanggang sa nagsalita si Hina.
"So Grace,gaano na kayo katagal magkakilala ni Shintaro?"- Hina
"Ah Hina,hindi nakakapagsalita si Grace."- Taiga
"Oh sorry I forgot. Pero pwede mo namang sagutin ang tanong ko Shintaro di ba? So,gaano na katagal?"
"Well I think 9 months" sagot ko
"Ako kasi since we were 5 years old kilala ko na siya. Alam ko nga yung mga kalokohan ni Shin noong bata pa siya."
" Tetsuya Kuroko's Point of View"
Pakiramdam ko may nabubuong tensyon between Grace and Hina. Parang pinagmumukha niya na mas marami siyang alam tungkol kay Shintaro. Kung gaano niya ito kakilala. Halos tahimik lang kami at tanging siya lang ang nag-sasalita. Samantalang si Grace ay patuloy lang sa pakikinig.
"Atsaka noong 8 years old kami, ginaya ni Shin si Batman. Idol niya kasi ito noon. Nagsuot nga siya ng itim na brief pero nasa labas! That was so---"- Hina
"Stop it Hina."- Shintaro
"Why? I'm just telling OUR childhood memories!" she emphasized thd word " our "
"It is so embarrasing Hina. Kumain na lang tayo."- Shintaro
Ang bigat ng pakiramdam ko sa babaeng ito. Ang hirap niyang basahin. Siguro naramdaman ni Shintaro ang tensyon sa pagitang ng dalawa.
" Shintaro Midorima's Point of View "
"Shintaro,salamat sa pagkain. At happy birthmay pala. Your getting old Shin" sabi ni Daike. Nasa labas na kami ng restaurant.
"Oo nga pala, happy birthday!"- Taiga.
"Happy Birthday!"-Ryota & Tetsuya
"Sa uulitin Shintaro. Nga pala,ikaw na muna maghatid kay Grace. May pupuntahan pa kasi ako."- Junpei
"O sige walang problema." sabi ajo.
"Mauna kami. Ingat kayo"- Daike at umalis na sila.
"Ikaw Hina,saan ka ngayon nakatira?" tanong ko.
"Sa *** village."
"Gusto mo hatid ka namin ni Grace?"
"Naku wag na. Magtataxi na lang ako. Si Grace na lang ang ihatid mo."
"O sige. Mag-iingat ka ah."
"Ikaw rin."
BINABASA MO ANG
Grace, The Girl I love
Romance"Bakit siya?! Ako na matagal mo ng kakilala hindi mo minahal pero siya..." bumuntong hininga ako bago sumagot. "Kasi siya si Grace. Si Grace na mahal na mahal ko."