Chapter Seventeen:
" Shintaro Midorima's Point of View "
SATURDAY:
Obvious naman na saturday ngayon. Nakacapslock eh. Nag-aayos na ako dahil naghihintay na ang apat na bugok sa baba. Remember,fiesta dito sa subdivision namin. It's almost 7 pm and magsisimula ang contest ng 8 pm.
"Shintaro bilisan mo!!!" sigaw ni Daike
"Oo! Nandyan na!!" sigaw ko pabalik. Ilang sandali lang ay bumaba na ako. Naabutan kong nagkukulitan sina Ryota at Taiga.
"Nandyan ka na pala. Dalian na natin! Maraming chikababes na ang nagkalat doon!"- Taiga
Kailan ba magbaba itong si Taiga? =_=
Nagsimula na kaming maglakad pa puntang multi-purpose kung saan gaganapin ang event.
Pagdating namin ay sobrang dami na ng tao. Karamihan ay mga teenagers ang nandito. Buti na lang nakakuha kami ng magandang pwesto dito sa may unahan.
Ilang sandali lang ay nagsimula na. Dalawang bakla yung emcee. Magaganda naman ang boses ng mga contestants. Kaya lang hindi talaga maiwasan yung mga trying hard. Mga frustrated kumbaga. Kahit sintunado eh go pa rin.
"So,ito na pala ang last para sa singer contest!"
"Singer? Baka singing contest bakla! So anyway,wag na nating patagalin pa! Contestant #*** Shinobi!"
Shinobi? What an odd name. Biglang lumabas sa stage ang isang babae na nakamaskara. Half of her face ay natatakpan ng maskara and she's wearing a pink dress.
"Bakit kaya umiiwas?
Binti ko ba'y mayroong gasgas?
Sana na may,magpakilala...
Ilang ulit ng nakabangga,aklat ko dala'y pinulot mo pa,di ka pa rin nagpakilala."
Wow! She has a very good voice. Ibang-iba ang boses niya sa lahat. Ang sarap pakinggan.
"Kailan...
Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim,kahit anong gawin di mo pa rin pansin..."
Ewan ko kung imagination ko lang iyon,nakita ko kasi siyang tumingin sa akin.
At isa pa,ang mga mata niya, may hawig sa mga mata ni Grace.
Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puro ko habang nakatingin ako sa kanya at nakikinig.
Hanggang sa matapos ang pagkanta niya. Ewan ko pero hinahanaphanap ko agad ang boses niya.
Itong pakiramdam ko,yung biglaang pagbilis ng hearbeat ko na tanging si Grace lang ang nakakagawa.
Alam kong imposible pero pakiramdam ko si Grace ang kumakanta. At ang mga mata ay kaparehong kapareho ng kay Grace.
Nang umalis na ang babae ay agad naman akong tumayo para habulin siya.
"Saan ka pupunta?"- Tetsuyd
"Magccr lang." sabi ko. Agad akong pumunta sa backstage pero wala akong nakitang nakamaskara. Lumabas din ako ng multi purpose pero no sign of her.
Alam ko,si Grace iyon. Iyon ang sinasabi ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Grace, The Girl I love
Romance"Bakit siya?! Ako na matagal mo ng kakilala hindi mo minahal pero siya..." bumuntong hininga ako bago sumagot. "Kasi siya si Grace. Si Grace na mahal na mahal ko."