bushingbushingbratatatatat

230 17 12
                                    

Sorry sa titles ko HAHAHAHAHA wa na me maisip as titles eh 😂

🐷🐷

Luis'

Nakikita ko nanaman ang sarili ko, nakahiga sa isang hospital bed. Madaming wires na nakakabit sakin. Paulit-ulit nalang 'to nangyayari. Bakit, bakit hindi ako magising?

Nakita ko sa may salamin si ishie. Mukhang nagulat siya sa nakita niya, ang alam nila patay nako.

"Ishie! Ishie! Nasaan si anj!? Nasaan siya?!" sigaw ko pero andun lang siya, nakatingin.

Miss ko na si anj. Miss na miss ko na siya. Lagi nalang ganito, papanoorin ko ang sarili ko na nahihirapan. Makikita ko sila mommy, tinatawag ko pero hindi siya sumasagot.

Ibig sabihin non, naka-coma nga ako, nakahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Kailangan kong kumapit sa katawan ko. Gusto ko pang makita si anj. Gusto ko pa ulit siyang mayakap. Magsasama pa ulit kami, katulad ng pinangako ko.

"Anak, kumapit ka please. Kung alam mo lang, hindi lang kami nila anj ang nangangailangan sayo. May mas importanteng tao kesa samin ni anj. Kailangan ka niya, it's been two and a half years. Gising ka na." sabi ni mommy.

I don't understand her pero, there's something in me na nagsasabing kailangan ko pang mabuhay.

It's like this. Nacoma ako, tatlo't kalhating taon na ang nakakalipas. That is two days after my surgery na naging successful naman. Pero suddenly, nagcardiac arrest ako and dun na siguro ako nacoma.

"Grabe, ilang ospital na ba ang pinahdalhan sakin? Bakit hindi padin ako nagigising?" tanong ko. Gusto ko nang mayakap si anj.

Naisipan kong maglakad-lakad nalang muna. Bawat madaanan ko, may nakikita ako mga kaluluwang nakabantay rin sa pisikal niyang katawan.

Napunta ako sa chapel ng ospital. Naupo lang ako at nagdasal.

"I want to go back. Bakit hindi niyo maparinggan yon? Gusto ko pa makita si anj at ang mommy ko. Gusto ko na sila yakapin ulit. Hindi ko pa naman oras, diba?" singhal ko sa kausap ko.

"Napaparinggan ka niya, sadyang hindi palang ngayon ang oras para magising ka." napatingin ako sa nagsalita. Babae siya, maganda. Pamilyar.

"Alliah?" tanong ko.

"Sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkita ulit, engot!" engot.. How I missed that nickname.

Okay naman kami ni alliah noon. Nagustuhan ko siya kasi hindi talaga siya yung bitch na kilala ng lahat. Lagi kaming magkasama kaya unti-unti ko siyang nakilala talaga.

Namatay ang daddy niya bago siya lumipat sa school namin. She changed because namatay ang dad niya dahil sakanya. Sa isang aksidente na kasama siya.

Actually, mabait naman talaga siya. Kahit bitch siya, she still cares. Kahit primadonna siya, she's still nice and sweet.

Ang tagal naming di nagkita.

"Nakikita mo ako?" tanong ko sakanya. Tinanguan niya ako at niyakap niya ako.

"It's been years luis. Namiss kita!" sabi niya. Namiss ko yung ngiti niya grabe

"Paano mo ako nakikita?" tinignan niya lang ako. Saka ako hinila paalis ng chapel.

Nagtungo kami sa isang room, may babaeng nakahiga. "I wasn't expecting na maaksidente ako after ng break up natin. Ilang taon na rin ako dito."

"Si mommy, siguro nagsawa na sila na puntahan ako. Wala na siguro akong pag-asa eh. But my heart is still beating, but I'm already brain dead. Hindi na ako umaasa pa na mabubuhay ako. Iniintay ko lang sila na patayin ang life support ko."

This is Us [IAAU Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon