Hold Me Now (Teaser)

16.3K 212 0
                                    

HOLD ME NOW

Kelly and Limuel met six years ago. He was her step sister’s loving boyfriend. Then after three years muli silang nagkita, hiwalay na ito sa kaniyang step sister at ito pa ang bagong boss niya. Ngunit daig pa nito ang tigreng hindi mapaanak sa sobrang sama ng pag-uugali nito. Hindi na yata lilipas ang araw nito na hindi siya nasisigawan. Ngunit sinapian yata ito ng mabuting espiritu ng anghel ng biglang bumait at gumanda ang pakikitungo nito sa kaniya. Ang mala-halimaw na pag-uugali nito ay unti unting napalitan ng isang charming at lovable na lalaki. At nahindik siya ng bonggang bongga ng sabihin nitong  nais nitong magsimula ng bagong buhay kasama siya. Di yata’t tumalab ang gayuma ng kapatid nitong si Angelou na kaibigan niya kaya naman naging ganoon ito bigla.

At sino siya para tumanggi? Type din naman niya ang guwapong amo niya kaya hindi na siya nagpakipot pa ng halikan siya nito. Ngunit kung kailan masaya na sila ay tsaka naman muling umeksena ang step sister niya na dating minahal ng binata. Mapupunarda pa yata ang pinapangarap niyang love story.

“Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Because if you’re going to ask me, I could go on kissing you the whole day, maybe forever and I will not be tired.”

Hold Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon