Chapter Fifteen (Forever)

9.4K 202 4
                                    

Nagising si Kelly ng masilaw siya sa maliwanag na ilaw na bigla na lamang tumapat sa kanya. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay noon lamang niya naalala ang nangyari sa kanya.

Mabilis na inilibot niya ang kaniyang mga mata sa kapaligiran. Maraming tao roon na pawang mga kilalang tao sa press. Nabaling ang tingin niya sa gitnang bahagi ng lugar kung saan naroon ang catwalk. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya doon ang kaniyang Ate Andrea. She look stunning in her evening black dress. Nalukot ang ilong niya nang maalala niya kung ano ang kaniyang suot. She look outsider in the place.

Muli siyang napatingin sa ramp stage nang magsalita ang kaniyang Ate.

“Thank you for coming here everyone. Tonight you’ll witness a different kind of event. So stay calm and the party begin.” Nakangiting turan nito bago bumaba ng ramp stage.

Nag-iba ang kulay ng ilaw sa kapaligiran. Bahagyang naging dim iyon. Ang lahat ay nag-aabang sa pagsisimula ng show.

Napasinghap ang lahat ng sa halip na damit ang imodelo ng mga models ay iba’t ibang paintings ang bitbit ng mga ito. Napatda siya nang makilala ang mga paintings. Ang mga paintings na iyon ay ang mga paintings na nakita niya sa kubo ng Paraiso kung saan siya ipinasyal ni Limuel.

At sa pagkakataong iyon ay malinaw na ang mukha ng babaeng nasa paintings. Iyon ay walang iba kundi ang mukha niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Ang lahat ay nakatutok lamang sa show. Mabuti na lamang at medyo madilim sa hall kundi ay nakilala na siya ng mga tao doon.

Iba’t ibang likhang kamay ang ipinakita doon. Ngunit ang mas nakapagpapigil ng kaniyang hininga nang lumabas ang painting kung saan ipinakikita ang isang babae na patingkayad na nakatingala sa isang lalaki na masuyong nakatingin dito. Pakiramdam niya ay may nakikipagkarerahan ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok niyon. Nangilid ang kaniyang mga luha ng sumunod na makita niya ang painting kung saan siya mismo ang naroon habang nakayakap naman sa isang lalaki na walang iba kundi si Limuel. Sa painting na iyon ay kapansin-pansin na ang nararamdaman niya para sa binata.

May ilang paintings pa na lumabas na kapareha ng ilang pangyayari sa kanila ni Limuel. Narinig niya ang pagsinghap ng mga taong nasa paligid niya nang ilabas ng isa sa mga modelo ang isang painting kung saan patakbo ang isang babae habang hinahabol ito nang lalaki. Ramdam na ramdam niya ang emosyon ng painting na iyon.

Hinagilap ng mga mata niya si Limuel ngunit hindi niya iyon nakita. Hanggang sa ianunsyo na ang huling obra na irarampa. Nakatutok ang lahat maging siya nang lumabas si Limuel bitbit ang isang painting kung saan magkahawak kamay sila ni Limuel na para bang nagpapalitan sila ng pangako sa isa’t isa.

Hindi na niya napigilan ang paghikbi ng mga oras na iyon. Para bang ang lahat ng kaniyang agam agam ay nawalang parang bula dahil sa mga nakita niya.

Huminto ang binata sa gitnang unahan ng stage. He look dashingly handsome in his semi formal suit. Kapagkuwan ay nagsalita ito.

“Nagtataka marahil kayo na sa halip na mga damit ang inirampa ng mga model ay mga paintings ang dala nila. And yes, ako nga ang modelo at lumikha ng mga paintings na ito. Hindi ko intensyon na magkaroon kayo ng interes na bilhin ninyo ang mga paintings ko dahil hindi ko iyon ipinagbibili..” narinig niya ang ilang pagbubulong bulungan ng mga tao sa kaniyang paligid ngunit nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa lalaking minamahal niya. “Ginawa ko lamang ito dahil alam ko na ito na lamang ang tanging paraan para pakinggan ako ng babaeng espesyal sa buhay ko. Because obviously the painter was madly inlove with his girl model but the problem is she doesn’t believe that I do love her.” As if on cue ay dumako ang tingin nito sa kinaroroonan niya kasabay ng pagtapat ng spotlight sa kaniya.

Hindi siya kumilos upang magtago. Bagkus ay sinalubong niya ang masuyong tingin ng binata sa kaniya. Pakiramdam niya ay tanging sila lamang ang tao sa mundo ng mga oras na iyon.

Hold Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon