Chapter Ten (Love is truly magical)

7K 134 2
                                    

SIMULA nang maging maayos ang samahan nila Kelly at Limuel ay hindi na sila mapaghiwalay pa. Hindi pa rin malinaw para kay Kelly kung ano ang estado ng relasyon nila ng binata ngunit sapat na para sa kaniya na palagi itong nasa tabi niya. Araw-araw siya nitong sinusundo sa kanilang apartment ng Ate Jeniah para magpunta sa shop. Hindi na kasi siya pinabalik nito sa AdTech dahil ayaw daw nitong isipin niya na kaya lang siya nilapitan nitong muli ay para sa kumpanya. Wala itong kamalay-malay na naka-leave lamang siya sa trabaho at babalik pa siya oras na matapos ang honeymoon ng kaniyang pinsan at magiging asawa nito. Hindi na muna niya sinabi sa binata ang tungkol doon dahil nais pa niya itong makasama ng madalas. Yung walang iniisip na trabaho sa kumpanya.

Nais nitong patunayan sa kaniya na sincere ito nang sabihin nito na gusto nitong magsimula ng panibagong buhay kasama siya. And they did it. They slowly start new life together. Kung noon ay ang masungit na side lamang nito ang nakikita niya ngayon ay hindi. Unti unti niyang nakikilala ang buong pagkatao nito. Hindi nga niya akalain na may boyish side din ito. Kung pakulitan ang labanan ay mananalo ito. Madalas ay kulitin siya nito sa kung ano ano. Minsan nga magugulat na lang siya kapag bigla itong sumusulpot sa shop para lang kulitin siya. Dito marahil namana ni Angelou ang pagiging kabute nito.

Kung saan saan siya nito dinadalang restaurant. Nais daw nitong magtayo ng isang restaurant at gusto nito na silang dalawa ang mamahala. Kung iba ang tatanungin ay iisipin na may namumuo na silang relasyon. Pero sa ngayon ay nage-enjoy muna sila sa isa’t isa. Aminado naman siya na natatakot siyang muling buksan ng lubusan ang kaniyang puso sa binata dahil marami pa siyang agam-agam. Hindi mawala sa isip niya na paano kung muling magkrus ang landas ni Limuel at nang Ate Andrea niya? Alam niya kung gaano minahal ni Limuel ang step sister niya noon. Natatakot siya na matabunan ng nararamdaman nito para sa Ate Andrea niya ang kung anumang damdamin nito para sa kaniya ngayon. Inihahanda na lamang niya ang kaniyang sarili sa posibleng mangyayari.

Wala naman itong sinasabi sa kaniya kung ano talaga siya sa buhay nito. Basta ang mahalaga sa kanya ay ang kasalukuyang samahan nila. They can be friends anytime and maybe as a real couple. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw darating sila sa punto na magiging opisyal na ang lahat.

Nanamnamin na lang muna niya ang mga paglalambing nito. Tulad na lamang ng araw na iyon. Sinundo siya nito mula sa shop o mas tamang sabihin na itinakas siya nito mula sa pinsan niya nang araw na iyon. Hindi pa rin kasi sumasang-ayon ang kaniyang pinsan sa samahan nila ni Limuel pero hindi naman siya nito pinagbabawalan na tulad ng dati.

Dinala siya nito sa unang pagkakataon sa condo unit nito na kabibili lang. Hanga siya sa pagkaka-ayos ng unit. Hindi iyon tipikal na bachelors pad na isa lang ang kuwarto. Tatlo ang kuwarto doon, isang pang-masters bedroom, at dalawang guest room. Maganda rin ang interior design niyon. Very welcoming sa lahat ng makakapasok sa unit.

Nakangiting pinagmasdan niya ito habang abala ito sa pagpinta ng kung ano. Ayaw nitong ipakita sa kaniya ang ginagawa nito.

“Alam mo bakit hindi mo pagkakitaan ang pagpipinta mo?” nakangiting tanong niya habang pinagmamasdan ito.

“I am not a real painter. Tsaka hindi naman ganoon kaganda ang mga gawa ko. Pang-amateur lang ang mga ito.” nakangiting wika nito habang patuloy sa pagpinta.

“Sus pa-humble effect ka pa. Hindi bagay sa iyo ‘no!” natatawang pinukol niya ito ng isang butil ng mani.

Mabilis na umilag ito. “Huwag kang maharot Miss at baka gantihan kita hindi ka makapalag d’yan.” Nakangising kumindat pa ito sa kaniya.

“As if naman makakaganti ka!” she rolled her eyes. “Ano pala ang silbi ko dito? Ayaw mo naman ipakita sa akin iyang ginagawa mo. Tinakas mo pa ako sa shop. Lagot ka na naman kay Ate.” Naiiling na dumampot siya ng isang pirasong ubas sa basket.

Hold Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon