Chapter Twelve (Dumating na ang araw ng kinakatakutan ko)

5.6K 131 0
                                    

Papasok na sila sa lobby ng hotel nang may marinig siyang pamilyar na tinig ng isang babae na tumatawag sa kaniya. Sabay silang napalingon ni Limuel sa pinagmumulan ng boses na iyon. Napatda siya sa kaniyang nakita. The woman calling her was her step sister Andrea, Limuel’s ex girlfriend.

“Kelly? Is that you?” tanong nito habang papalapit sa kanila. “Ikaw nga Kelly, ang akala ko namali lang ako ng tingin.” Nakangiting hinalikan siya nito sa kaniyang pisngi.

Animo siya isang kandila na itinulos sa kinatatayuan. Kumabog ang kaniyang dibdib ng mapalingon ito sa kaniyang kasama.

Napatingin ito sa magkahugpong nilang mga kamay. “Limuel? Ikaw nga! Kamusta na?” mababakas ang kasiyahan sa tinig nito.

Nang lingunin niya ang binata ay hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman nang bigla itong ngumiti habang nakatingin sa kaniyang step sister.

“I’m doing great how about you? You look fabulous tonight. Kailan ka pa bumalik galing ng Paris?” Anang binata bago hagkan sa pisngi ang Ate Andrea niya.

Pakiramdam niya ay piniga ng grabe ang kaniyang puso ng unti unting bitawan ni Limuel ang kaniyang kamay habang abala ito sa pakikipag-usap sa kaniyang step sister. Nakadama siya ng biglang panlalamig habang nakatingin sa mga ito. Bigla ay parang nawala siya sa isip ng mga ito.

Unti unting naglaho ang lahat ng binuo niyang plano kasama si Limuel ng mga oras na iyon. Seeing how his eyes sparkle in happiness right now makes her realize that nothing still change. Mananatili lamang siyang anino ng magandang step sister niya.

Sinikap niyang maging buo ang kaniyang boses nang magpaalam siya sa mga ito.

“Mauna na ako sa loob.” Buong tatag na wika niya.

Mabilis na lumakad siya papasok sa loob ng hotel. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nahawakan na nito ang kaniyang braso.

“Dahan dahan lang sweety, baka matapilok ka niyan.” May pag-aalala sa tinig nito.

Tahimik na hinayaan na lamang niya na akayin siya nito papasok sa loob ng hotel habang nakasunod naman sa kanila si Ate Andrea.

Laking pasasalamat niya nang makisalo si Brenan sa mesang inookupahan nila. Tahimik lamang siya habang abala sa pagkukuwento ng kung ano ano ang step sister niya na tutok na tutok kay Limuel. Nang bahagyang sulyapan niya ang mga ito ay napansin niya na matamang nakatingin dito si Limuel. Hirap na hirap ang kaniyang kalooban ng mga sandaling iyon. Katabi nga niya ang binata ngunit nasa iba naman ang atensyon nito.

“Are you okay Kelly?” narinig niyang tanong ni Brenan sa kaniya.

Napansin marahil nito ang pinagdadaanan niya.

Tipid na ngumiti siya. “I-I’m okay Brenan..” aniya kahit pa nagsisikip ang kaniyang dibdib.

Bahagyang lumapit sa kaniya si Brenan. “Are you sure? You look tense.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay. “Nanginginig ka.”

Noon lang niya napansin ang panginginig nang kaniyang kamay. Bumaling sa kaniya ang nagtatanong na mga mata ni Limuel bago tingnan ang kamay niya na ngayon ay hawak ni Brenan.

“May problema ba?” mababakas ang iritasyon sa tinig nito.

Mabilis na binawi niya ang kamay kay Brenan. “K-Kailangan ko lang magbanyo.” Bahagyang nangatal ang kaniyang mga labi.

“Samahan na kita.” Matigas na wika ni Limuel.

Mabilis na umiling siya. “No need, asikasuhin mo na muna si Ate.” Aniya bago nagmamadaling naglakad.

Hindi na niya hinintay pa kung ano ang naging reaksyon ng mga ito. Masyadong masakit ang dibdib niya ng mga oras na iyon. At kung magtatagal pa siya ng ilang segundo sa harap ng mga ito ay baka hindi na niya makayanan pa ang sakit. Dumiretso siya sa powder room. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman.

Hold Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon