Chapter One(I really hate him!)

8.8K 175 1
                                    

 “ANONG klaseng trabaho iyan Miss Sandoval? Alam mo kung gaano kalaking deal ang nawala nang dahil sa kapabayaan mo! I can’t believe that AdTech Corporation is paying for a non efficient employee like you!” mariing napapikit na lamang si Kelly ng marinig niya ang madagundong na tinig ng kasalukuyang Presidente ng AdTech Corporation na si Limuel Anthony Villaroman.

Pinigilan ni Kelly ang kaniyang sarili na makapangatwiran sa boss niya dahil sigurado siyang hindi siya mananalo kahit ano pang paliwanag ang kaniyang gawin. Mas pinili na lamang niyang tiisin ang walang humpay na panenermon nito. Bukod doon ay alam niya sa kaniyang sarili na may pagkakamali din siya. Kaya naman sinikap niyang magpakahinahon gaya nang palagi niyang ginagawa sa tuwing bubulyawan siya nito.

Hindi niya akalain na mawawala sa loob niyang ipaalala sa kaniyang boss ang pagbabago sa pakikipag-meeting nito sa general manager ng PhilInvest Corporation. Sa dami ng trabaho at paper works na inaasikaso niya, idagdag pa ang pagsasakit ng kaniyang ulo kaya naman natural siguro na maging makakalimutin siya. Pero hindi niya maaaring ikatwiran ang kaniyang nasasa-isip. Malamang na mas lalo pa siya nitong bulyawan kapag nagkataon.

Sa halos araw araw na ginawa ng Diyos ay hindi lilipas ang maghapon na magagalit ito sa kanya. Minsan ay wala na sa lugar ang galit nito sa kaniya dahil kahit kaliit liitang bagay na magawa niya na hindi nito nagustuhan ay ikinakukulo ng dugo nito. Tulad na lamang ng minsang ipagtimpla niya ito ng kape. Magdadalawang linggo pa lang niya itong amo noon at bilang assistant cum secretary ay ipinagtimpla niya ito ng kape. Inisip niya na magiging way iyon para maging maganda ang samahan nila ngunit kabaliktaran ang nangyari. Dahil sa halip na matuwa ito ay nagalit pa ito. Sinermunan siya nito ng bonggang bongga. Ang sabi pa nito ay huwag na huwag siyang gagawa ng hakbang na hindi naman nito ipinag-uutos dahil pag-aaksaya lamang daw iyon ng oras.

Kaya naman magmula noon ay hindi niya ito ipinagtimpla ng kape. Kahit pa nakikita niya itong pagod na pagod ay tiniis niya ito. Isa pa pakiramdam niya ay parang may lihim itong galit sa kaniya.

Hindi tuloy niya maiwasang isipin na siya ang pinagbubuntunan nito ng galit buhat ng iwan ito ng kaniyang Ate Andrea.

Six years ago, ipinakilala ito ng Ate Andrea niya sa kanilang pamilya bilang kasintahan ng mga ito. Sa pagkakantanda niya ay maayos ang relasyon ng dalawa hanggang sa bigla na lamang nakipagkalas ang Ate Andrea niya dito nang makakuha ito ng oportunidad na maging isang modelo sa ibang bansa. Wala na siyang naging balita pa sa binata dahil bigla na lamang itong naging missing in action. Naging abala rin naman siya sa kaniyang pagtatrabaho sa loob ng halos tatlong taon sa naturang kumpanya.

Hanggang sa kumalat ang mga balita na nakabalik na ito mula sa pagmumukmok nito sa kung saan. Nagulat pa siya ng malaman niya na ito ang magiging boss niya kalahating taon na ang nakalilipas. At mula ng araw na ito ang maging boss niya ay palagi na lamang itong nakasigaw sa kaniya. Ni minsan hindi ito naging mahinahon sa tuwing siya ang kaharap. Ngunit pagdating sa iba ay maayos naman itong magsalita. Ang ikinaiinis niya ay kung bakit hindi effective sa damuhong amo niya ang tinatawag na ‘charm’ ni Angelou na taglay niya. Kahit sino kasi ang makausap niya ay nagiging tamed sa kaniya. Maliban na lamang sa amo niyang tila may sapak ang utak.

Hindi naman niya in-expect na maging warm ang pakikitungo nito sa kanya. Dahil una sa lahat ay hindi naman sila naging close nito noon. Infact iniiwasan pa nga niya ang presensya nito. Pero kahit papaano ay naisip niyang maging civil ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Ngunit wala yata sa diksyunaryo nito ang mga katagang ‘civil’ at sa tingin niya ay iisa lamang ang salita sa utak nito iyon ay ang salitang ‘galit’. Dahil sa pakiwari niya ay galit ito sa mundo.

Nagpatuloy ito sa panenermon sa kaniya. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao upang pigilan ang sarili na sagutin ito. Kung noon ay hinangaan niya ang guwapong pagmumukha nito ngayon ay hindi dahil anhin na lamang niya ay patikimin ito ng sapak mula sa kanyang kamao.

Hold Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon