CHAPTER 6: PANGLOLOKO

11 0 0
                                    

Chapter 6: Pangloloko

( I BELONG TO THE ZOO:SANA)

Bakit ka nag-iba? Meron na bang iba?  Sana sinabi mo para di na umasa na may tayo pa sa huli. Sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumayat umalis. Sana sinabi mo…

Nagmadaling pumasok si reina sa loob ng Restobar. Walang ibang maisip kundi ang inis na nararamdaman. Nagtataka at patuloy na naguguluhan sa nasaksihan. Hindi makapaniwala na kaya  pala hindi siya minsan masundo ng boyfriend  nito ay dahil sa ibang pinagkakaabalahan.
Napatigil silang dalawa sa harap ng table nila nang masaksihang naghahalikan sa sarap ang binata at si kris,  ang ex nitong galing states.
Mapapatawad  niya pa ito sa pagtatago ni jared sa bisyo nito ngunit hinding hindi sa pagbababae nito.

“Masarap ba jared? Kris? ”

“Reina? ”gulat na sambot nila.
“Wait, let me explain. ” ani jared.

“Reina, Im sorry? Akala ko kasi wala na kayo ni jared?” ani kris.

Pilit na hinahawakan ni Jared ang kamay ng girlfriend ngunit tinatabig niya ito.

“I know naman na di pa kayo lasing… Go jared!  Explain! Kris? Why? So, hindi ba sinabi sayo ni jared na kami pa? ”

“Reina… he denied you. ”

Napaluha na lang siya sa sakit na nararamdaman.

“Jared! Go! Explain! Kasi Ansakit sakit na! ”

“Look, im really  really  sorry… ” naluluhang sabi ng kasintahan.

“Ano bang ginawa kong mali? Sana sinabi mo para di na ako umasa na may tayo pa hanggang ngayon! Mahal kita! ” humahagulhol nitong sabi.

“Wala kang ginawa Reina… I feel thankful na naging part ka ng buhay ko… but narealize kong di sapat ang gusto sa mahal. Gusto kita reina as a person dahil kahit papano you changed me slightly as a better one.”

“Then why you choose her (tinuro si kris) than me?”

“Kasi mahal ko siya…Im really sorry. Maybe you are the one who heal my wound. Nandon ka sa oras na gusto kong magmoveon sa kanya. Kay kris. She's my Ex… ”

“Mahal mo pala siya.. At Gusto mo lang ako, Pero ikaw minahal kita! (Tinuro ang puso) masakit dito banda jared… ”

“Reina… ”

“You denied me! Di ka na nahiya... Ako na girlfriend  mo? Hindi mo man lang ininform yang Ex mo! ”

“Reina… Im sorry ”

“Gusto?! Yon lang ba ang halaga ko?!”

Ang tanging nagawa lang ng binata ay ang mapaluha.

“Sinabi mo pang wala na tayo? JARED! 2 years na ako lang ang mag-isang nagmamahal. Na akala ko mahal mo rin ako! Now I know, all this time you treat me as an option para makamoveon ka!”

Bago pa man yakapin ni jared si Reina ay dumapo na ang kamay nito sa mukha niya. Ang mag-asawang sampal na yumanig sa buong pagkatao ninumang makakaramdam nito.

“Hey, Reina! Enough! ” saway ni Kris.

Nasampal din nito si kris nang walang pagdadalawang isip.
“Thank you… sayo na siya… Magmahalan kayo kris total mahal ka naman niya. Ikaw lang kasi yong minahal niya… ”

“Forgive me Reina but I love him too.”

“Both of you.. Forgiven.. Happy anniversary Jared. Bukas na iyon remember?  Advance (Oct. 31). ” mariing sabi nito na pinipilit ngumiti.

Ngumiti pa rin si Reina  kahit masakit na… Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang luha na para bang wala ng katapusan…

“Bes, alis na tayo.. ”

Tumango ang kaibigan sa kaniya. Naunang umalis si Reina  at sumusunod ang kasama  sa kanya. Bago pa makaalis si odette ay kinuha nito ang dalawang glass ng tequilla sabay tapon sa mukha ng dalawa. (Jared at Kris)

“Bagay sa inyo… Parehas kayong GAGO! ” ani odette  na nanggagalaiti sa galit.

Bakas ang gulat nilang lahat,  maging ang mga kaibigan nina jared na nakiusyuso kanina.

At sumakay na ulit ang magkaibigan sa nasakyan nilang jeep. Lumuluha pa rin si Reina at patuloy pa ring pinapatahan ni odette ang paghikbi nito. Nang biglang nagplay ng musical si manong driver.

( I BELONG TO THE ZOO:SANA)
🎤🎤🎤

Bakit ka nag-iba?
🎶Meron na bang🎵 iba? 
🎶Sana sinabi mo para di na umasa na may tayo pa sa huli.
Sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumayat umalis.
Sana sinabi mo… para di na umasa na may tayo pa sa huli. Sana sinabi mo hahayaan naman kitang umalis… 🎤🎤

🎤Sana sinabi para ang mga ayaw mo'y aking iibahin.
‘Di ba't sinabi mo?🎵🎵 Basta't tayong dal'wa sasaya ang mundong mapait… ‘Di ba sinabi ko? Gagawin kong lahat upang tayo pa rin sa huli….
🎶🎶
Biglang nalaman ko, may hinihintay ka lang palang bumalik…🎵

Sana sinabi mo… 🎵Dahil di ko maisip anumang nagawa kong mali…

Sana sinabi mo… Para di na umibig ang puso kong muli… 🎤🎤

Sana sinabi mo para di na umasa na may tayo pa sa huli. Sana sinabi mo hahayaan naman kitang… 🎶

Sana sinabi mo… para di na umasang may tayo pa sa huli… SANA SINABI MO… 🎤
🎶🎵🎶🎵🎶

THE DAY YOU FIXED MY BROKEN HEART (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon