Chapter 7: Luha't
'I CRY SECRETLY EVERY NIGHT💔'
Araw araw ay umiiyak si Reina. Tuwing sasapit ang anniversary nila ng Ex nito ay tanging karamay niya ang luha at unan.
Tatlong buwan niyang ininda ang sakit. Maging ngayon ay ganoon pa rin ang kaniyang naging sitwasyon.
Kinabukasan ay natanghaling gumising ang dalaga dahil wala naman silang pasok. Hindi naman din maganda ang tulog nito dahil sa mga bumabagabag sa kaniyang isipan.
Bumaba siya sa sala at naabutan ang kaniyang inang nagagalit at nanghahagis ng mga damit sa labas.
Dali dali niyang nilapitan ang ina. At nakita ang ina nito sa labas...
"LUMAYAS KA ARTURO! WAG NA WAG KANG BABALIK! MALAKI NA ANG ANAK NATIN AT NGAYON KA PA NAGLOKO! "
"Ma, tama na wag na kayong mag-away ni papa. "
Umiyak ang kaniyang ina.. Habang patuloy pa rin sa pagtapon ng damit na pinupulot naman ng kaniyang ama at inilalagay sa bag...
"Fina, wag namang ganyan... Mag-usap tayo... Pag-usapan natin to! Lasing ako nung gabing yun! "
"Lasing?! Lahat ng lasing alam ang ginagawa... Bakit mo ba ginawa ito sa akin? Ani ng ina ni Reina habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
"Ikaw ang mahal ko.. Aksidente ang nangyari samin ng babaeng yun! "
"Ma, Pa... ayoko ng ganito... Please naman magbati na kayo." pagkonsinte nito na humihikbi na rin dahil sa bigat ng nararamdaman sa magulang.
"Bakit ba ang tigas ng puso mo! Fina, bat ka ba ganyan.. Nagkamali ako pero hindi ko alam ang nangyayari nung gabing yun. Nagkainuman kami nila nestor at pagkagising ko ay may katabi na akong babaeng hindi ko naman kilala! Patawad mahal.. "
Maging ang ama nito ay napaluha na rin...
"Masakit arturo... masakit na masakit... patawad din kung hindi pa kita kayang matanggap.. Mas mabuti sigurong doon ka muna tumira kina nanay at tatay... Mas kailangan ka ng magulang mo.. Bisitahin mo sila don. Saka na tayo magkita pag okay na. "
"Ma... please patawarin mo na si papa. "
"Anak... Napatawad ko na siya. Hindi ko muna kayang makasama ang papa mo.. "
"Ma... "
"Reina... anak bayaan muna natin ang mama mo. "
Pumasok na ng bahay ang kanyang ina. Pinabayaan na lamang nila ito dahil alam nilang mas mapapabuti ang pakiramdam nito. Sa ganoong bagay ay mas mailalabas nito ang sakit.
"Dadalawin pa naman kita Reina. Sorry anak sa lahat. Don muna ako sa lolo't lola mo, Pag umuuwi ako laging biyahe. Saka naiintindihan mo naman ako di ba? Mahirap ang pagiging seaman. Malayo sa inyo, pero ngayon mas lumayo pa... ""Pa.. Okay lang. Salamat sa lahat. Promise mo yan ah. Dadalswin mo pa rin ako. "
Habang patuloy na lumuluha ang mag-ama. Niyakap nila ang isa't isa na nagsasabing ito'y paalam na.
💔😭😭❤
BINABASA MO ANG
THE DAY YOU FIXED MY BROKEN HEART (Completed)
Teen FictionLoving someone with depression (mild state) and experiencing pain is one of the hardest things in the world, particularly when you can't do anything about it. In other relationship, they lived through a much less severe version of that experience...