Chapter 13: Lilipas Din
Habang naghahanda ng pagkain si Reina. Nadatnan niyang magkausap ang kaniyang magulang sa sala habang nanonood ng TV.
Mukhang masaya ang dalawa. Bilang isang anak nakakatuwa at nakakagaan sa pakiramdam na magkasundo na ang kaniyang mga magulang.
“Ma, Pa, kakain na... ” anyaya nito.
Agad namang pumunta ang mga magulang nito sa hapag kainan.
“Nak, ayos na kami ng mama mo. ”
“Asus, arturo... ”
“Mabuti naman po. Salamat Ma, Pa. Ibig sabihin... dito na kayo magstay Papa. Di ba Ma? ”
Simpleng ngiti lang ang tugon ng ina.
Napuno ng saya ang nararamdaman ng pamilya nila. Niyakap nila ang isa't isa dahil sa wakas ay buo na rin ang kanilang pamilya.
Nagpatuloy silang kumain at nagbonding pagkatapos.
Hindi mahihigitan ng kahit anong halaga ang kasiyahan na natamasa ng isang anak na buo ang pamilya.
Nagkapatawaran ang kaniyang mga magulang. Habang wala pang biyahe ang ama nito ay napagdesisyunan niyang magstay sa kanila tulad ng dati. Hindi naman ito makakasagabal sa lolo at lola ni Reina gayunding may makakasama naman sila roon. Ito ay ang kaniyang mga Tito't Tita at pinsan doon. Nagpaalam na rin ang kaniyang ama sa magulang nito na dito na ulit sa mag-ina niya titira na lubos namang ikinasaya ng lolo at lola ni Reina.
Nag-iisa na lamang ang lolo at lola ni Reina sa father side. Sumakabilang buhay na rin kasi ang mga magulang ng kaniyang ina. Mga Tito at Tita na lamang niya ang nabibisita sa ina tuwing bakasyon.
Lilipas din ang sakit na ating naranasan sa kabila ng lahat ng ating pinagdaanan.
Kung mayroong pagmamahalan, mayroong ding sakit. Kung mayroong tamis, mayroon ding pait. Halos lahat ng bagay dito sa mundo ay nasisira, lalo na kung hindi mo ito iniingatan. At kabilang na dyan ang puso mo. Ang puso mo kapag nasasaktan, madalas sabihin ng mga kaibigan mo “mag-move-on ka na.”
Madali lang ihakbang ang mga paa mo, para makaalis ka sa kinaroroonan mo. Ang mahirap gawin ay ang kalimutan ang isang tao na minsan naging bahagi ng buhay mo. Madaling sabihin pero mahirap gawin, sabi nga ng iba. Kahit ikaw, sasabihin mo din yan sa kaibigan mo, pero kapag ikaw na ang nasa sitwasyon, doon mo malalaman at masasabing, “ang hirap pala.”
Huwag kang magmadali. Wala namang mabuti para sa’yo na lalayo. Naririyan lang yan. Naghihintay ng tamang oras, lugar at pagkakataon para mapa sa’yo. Ganyan talaga, parte ng pag-ibig ang pagpapalaya.
Ang akala ng iba, makikita ang katatagan mo kapag nanatili at lumalaban ka. Pero minsan, ang katatagan mo ay nakikita kapag kaya mong magpalaya. Kung hindi umubra ang nararamdaman mo para sa isang tao, maaaring may taong mas karapat-dapat sa nararamdaman mo na iyon. Kung hindi mo kayang iligtas ang relationship nyo. Iligtas mo na lang ang friendship ninyo. Huwag kang maging malungkot na kayo ay tapos na. Magpasalamat ka na lang na minsan naging iyo ang puso niya. Kahit gaano ka pa katalino, pagdating sa pag-ibig, isa ka pa ring bobo.
#LILIPAS DIN... ❤❤❤
BINABASA MO ANG
THE DAY YOU FIXED MY BROKEN HEART (Completed)
Teen FictionLoving someone with depression (mild state) and experiencing pain is one of the hardest things in the world, particularly when you can't do anything about it. In other relationship, they lived through a much less severe version of that experience...