CHAPTER 9: BENCH

13 0 0
                                    

Chapter 9: Bench

Itinext ni Reina si Odette.

"Dette! Sabay tayo pumasok... Dito na ako sa kanto. " sent

Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng text.

“Naku, bes.. Sorry dadaan pa ako sa boutique ng tita ko. ” message recieve

“Bakit? ” sent

Tutulungan ko muna siyang magbukas kasi 1st day ng boutique niya ngayon. ” message receive

“Ah okay... Sige commutte na lang ako. ” sent

“Sorry bes... Ngiti ka na, papangit ka niyan. Bawi ako sayo next. ” message receive

“Siraulo! Ngiti? Para namang makikita mo!? Baliw ka! ” sent

“Yeah.. Atleast maganda.. Alam kong ngumiti ka eh”   message receive

Hindi niya na nireplyan ang kaibigan at nagpokus na lang sa dumadaang sasakyan.

Dahil nangangalay naupo muna siya sa Bench na malapit sa puwesto niya.  Nakatabi niyang umupo ang binatang naghihintay din ng sasakyan.

Hindi niya ito napansin at umupo na lang sa tabi. Nakatutok lamang ang kaniyang mga mata sa daan. Hindi niya namamalayang tumititig ang katabi sa kaniya.

At nang may nakitang Taxi.

“Taxi! ” sabay nilang sigaw.

Naunang sumakay si Reina sa backseat. Sumunod ang binata.

Pareho silang nasa backseat sa kadahilanang mayroon nang nakaupo sa front seat.

Tatlo silang pasahero at ang front seat na katabi ni manong driver ay inuukupa ng isang babaeng may edad na.

Nang nag-umpisang umandar ang sasakyan ay nagkatinginan sila.

Tila ba isang nasirang orasan ang nangyari. Bumagal ang takbo ng oras at nagslowmow effect.

May kakaibang naramdaman si Reina sa katabi na bago sa kaniyang pakiramdam. Napuno ng paru-paro ang kaniyang tiyan at nag-umoisang mamutla. Ganoon din ang naramdaman ng kaharap. Ninerbyus sila sa isa't isa at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon.

“Ma'am, Sir, saan ho sila? ” tanong ng driver.

Hindi nila pinansin ang nagmamanehong si kuya. Nakatutok lang ang kanilang mukha sa bawat isa.

Matagal na titigan ang namayani sa dalawa. Naputol lamang ito nang tumunog ang tawag mula sa isang pasahero. Sinagot naman rin nito ng may edad na babae ang cellphone na tumutunog. Naghudyat ito para matauhan ang dalawa.

Lumingon sila sa Driver at tila ba natauhan sa kasalukuyan.  Bumalik ang kanilang mga kaluluwa sa kanilang katawan.

“Ma'am, Sir, saan ho sila? ” ulit nitong tanong. 

“Sa harap po ng UST. ” sabay nilang bigkas.

Nagkaroon ng hiya ang dalawa sa sinabi. Nanatiling tahimik dahil sa nerbyus nilang parehong nadarama.

Nang magsalita ang binata.

“Hi… Im Andrius.. 24 y.o” pagpapakilala niya.

“Reina, 22 y.o” simpleng tugon nito.
“UST ka din pala?!  ” sabay na naman nilang wika.

Tumawa sila sa nasabi. Nakakapanibago dahil naging masaya si Reina sa sandaling iyon.
Tumigil na ang Taxi sa harap ng university. Nagbayad sila ng sabay at nangingiti pa rin sa kanilang mga aksyon. Sila’y bumaba na at nagsabay maglakad papuntang gate. Habang naglalakad ay magkatabi sila.

“Sabay na tayo, Reina? Kung okay lang? ”

Pinagmasdan niya ang lalaking katabi at hindi mapigilang humanga sa angkin nitong kakasigan.

Napakaamo ng mukha. Gwapo.  May mapupungay na pilik mata na dumagdag pa sa kagandahan ng singkit nitong mga mata ,  ang perpektong hubog ng ilong nito na napakatangos, ang maputi nitong balat, ang manipis at malamansanas nitong labing nang-aakit.

“Ang sarap halikan… ” biglang sambit nito?

“Huh? Sino Reina?”

Nagising sa kasalukuyan si Reina. At nautal sa sinabi. Ngayon lang siya natauhan sa pagpapantasya sa binata. Wait? Pantasya? Owww todo kilig na naman tayo.. Hahahaha..

“Ah eh ano kasi… Ah ano. . Anong sabi ko? Wait upo muna tayo sa Bench. Hintayin ko muna si Odette yung kaibigan ko. ”

Sinunod naman ng binata ang sinabi ng kasama. Habang naghihintay ay umupo muna sila sa malapit na Bench na nakita. Sila'y nag-usap tungkol kanina.

“Ang sabi mo, ‘ang sarap halikan… ’

“Ah.. Yon? Sino? ” kunwaring tugon nito na nagkamot pa ng ulo.

Napakagat labi si Reina.

“I don’t know… ” nawewerduhan nitong sabi.

“Ah mali ka lang ng rinig.. Sabi ko ‘Ang sakit ng talampakan ko! ’

“owwkay sabi mo eh… ” hindi pa rin ito maniwala.

“uyy Andrius magtigil ka sa pangiti ngiti mo…” naiinsulto nitong wika.

“Sounds good? Hahaha… It's kinda weird to hear your thougths opss... Excuses rather... Masakit ang Talampakan? Masarap Halikan huh?”

“Don’t mind… please bingi ka lang! ” seryoso  nitong sabi.

Hindi pa rin mapigilang matawa ni Andrius kahit pa mukhang inis na inis na ang kausap.

“Hahaha okay… sorry bingi ako! ” natatawang sabi ni Andrius.

“Ahem! Ahem! What happen to the world! ”

Napalingon ang dalawa sa boses na narinig. Hindi nila namalayan na dumating na si odette.

Napatayo silang dalawa sa kinauupuan. Nabigla sa kadadating lang na kasama.

“Dette? Kanina ka pa dyan? ”tanong ng kaibigan.

“Hindi naman, mukhang kayo eh ang kanina pa diyan.. Ahem” tugon nito na nangingiti pa rin.

“Bes, si Andrius kasama ko,  kanina sa Taxi eh…same school pala kami so sumabay na sakin sa paghintay sayo…Andrius si Odette bff ko ”

Nagkamay ang dalawa.

“Ah oo, eh dito kami sa Bench muna.”

“AH okay… hmmm hinintay ako? So, halatang enjoy kayo ah… oww ayiee” tukso ni odette.

Namula si Reina at ngumingiti  ngiti lang ang kasama.

“Sige, mauna na ako. ” paalam nito sa dalawa.

“Wait Andrius! Transferee ka? ” tanong ni Odette.

“ah oo… Mas malapit kasi yung distance. Kakalipat lang namin ng parents  ko ng bahay. Yung parents ko kasi nalipat ng trabaho sa ibang company. ” kuwento nito.

“ah okay… rich kid ang peg! ” biro ni odette.

Makaramdam si Reina ng hiya sa inasta ng kaibigan. Itinawa lang ng kaharap ang sinabi ni Odette.

“Aba! Uy bes nakakahiya  ka! Sige mauna na kami Andrius pasensya na rito ( tinuro ang katabi ) hindi nakainom ng gamot. ” paumanhin nito.

“Hindi kami mayaman. Not my parents owned a company, empleyado lang sila guyz haha”

Andrius chuckled.

Ngumiti lang si Reina and she pouted ‘sorry’. Ang kasama naman nito ay nagpeace sign.

“It's okay. She's funny Reina. Your’e lucky to have her as your bestfriend. Bye.. Una na ako ”

“Bye. ” sabi ng dalawa.

Maglakad na ang magkaibigan papuntang klase nila. Habang patuloy pa rin sa pagkukuwentuhan.

THE DAY YOU FIXED MY BROKEN HEART (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon