Chapter 11: Kalituhan
Habang nagluluto ang dalaga ay tumunog ang cellphone nito. Sinagot niya ang tawag sa kabilang linya.
*unknown number*
"Hello, sino ho sila"
"Reina, it's me your beautiful bff! "
"Oww? Kailan ka pa nagpalit ng number? "
"Na-ah, hindi ako nagpalit, sa boyfriend ko to! "
"Boyfriend? Sino? "
"Yung adik sa kanto... "
"hahaha baliw... Seryoso nga sino? "
"Ali, pinsan ni Andrius. "
"Ah, okay?...Ali? " 'Di makapaniwal nitong tugon.
"We're texting 1 month bes at kahapon lang sinagot ko na siya. "
"1 month?! Ang rupok mo! "
"1 year kang niligawan ni Jared eh sinagot mo din, so... Don din lang punta non kaya sinagot ko na. "
Halata sa kausap nito ang kilig na nadarama. Pero para sa kaniya ay iniisip niyang nababaliw na sa pag-ibig ang kaniyang kaibigan.
"Sira! Bes, sa hiwalayan din ang punta non. "
"Aba! Okay lang, saka ko na iisipin yan! "
"Dette! 'Bat ka ba kasi tumawag? Nagluluto ako eh. "
"Birthday daw ng mommy ni Andrius. "
"And then? "
"Invited tayo. "
"Sorry, may pasok pa tayo bukas di ba? "
"Weekends yon! Hindi bukas. Sa Linggo. "
"Ahh, okay. "
"Punta tayo ah, susunduin kita dyan. Bye! Bye! "
Pinatay na ng kabilang linya ang tawag at hindi na hinintay ang sasabihin niya.
Napabuntong hininga na lang ang dalaga dahil pintayan siya ng linya ni Odette.
Matagal na ring hindi nakakapunta si Andrius sa bahay nila Reina. Pero, para sa dalaga ay mas mabuti ito para iwasan ang binata.
Nalilito kasi siya kung ano ba talaga ang nararamdaman nito para Kay Andruis.
Hindi pa rin maiwasan ni Reina ang maluha tuwing bumabalik sa ala-ala niya ang kaniyang dating kasintahan.
Ang mga araw na bumibisita si Jared sa bahay nila at siya mismo ang magluluto para rito. Madalas niyang lutuin ang paboritong adobong manok ng kasintahan. Minsan pa nga ay sabay silang nagluluto at nagtutulungan sa gawaing bahay tuwing weekends nang nga araw naked gustong bisitahin ni Jared angel dalaga.
Dati rati ay sabay sabay pa silang kumakain kasama ang mama at papa ng dalaga.
Naging bonding rin nila ang paggigitara ng kaniyang nobyo na kasama minsan ang papa arturo nito.
Ngunit napalitan lahat iyon ng kalungkutan. Ang mga alaala na parang wala siya sa sarili. Hindi makakain at makatulog. Gabi gabing umiiyak at pagkagising naman ng umaga ay nagpapanggap na okay kahit hindi niya naman maipakitang maayos ito. Nang minsan rin siyang napagalitan ng kaniyang professor dahil nakaidlip siya sa kanilang klase, dala ng pagpupuyat nito sa kakaiyak. Ngunit hindi niya pinabayaan ang pag-aaral.
Ang araw na muntik na siyang madumbo dahil naging bingi ito sa paligid. Mabuti na lamang ay hinila siya ng kaibigan at nakaiwas sa Taxing humaharurot sa kalsada.
Ang mga araw na namimiss niya si Jared at kinakausap na lamang ang mga stuff toys na iniregalo sa kanya tuwing birthday at monthsary nila. Naging bulag si Reina sa pag-ibig.
Nawala ito sa katinuan dahil palagi na lamang siyang nakatulala tuwing mag-isa at nakatitig sa kisame. Ang mga alaala nila ng kanilang pamilya. Ang masayang bonding nila ng kaniyang mama at papa. Napapaisip sa kawalan si Reina.
Laking pasasalamat niya dahil may mga taong nandyan para sa kaniya at hindi ipinaramdam na mag-isa siya. Ito ay ang kaniyang mama fina at bff nitong si Odette since high school sila.
Hindi niya napansing kanina pa pala tumutulo ang kaniyang luha.
“Nak, tumawag ang papa mo. ”
Agad niyang pinunasan ang luha at nag-abala sa niluluto.
“Ah, Ma, andyan pala kayo. ”
“Teka, umiiyak ka nanaman ba? ”
Ngumiti na lang siya bilang sagot.
“Ma, anong sabi ni papa? ”
“Mamaya, mamamasyal daw kayo. Kakauwi niya lang kahapon. At dadaan siya dito para makapasyal kayo. ”
“Ma, kailan po ba kayo magkakaayos ni papa? ”
“Sa ngayon 'di natin masasabi ang mga mangyayari. Mahal ko pa din ang papa mo. Narealize ko na sa buhay natin kailangan nating umintindi at magpatawad para mawala yung sakit dito. (Tinuro ang puso) Kaya Reina kung nasasaktan ka pa ngayon, isipin mo hindi siya kawalan, at wag mong gawing mundo ang lalaking ginago ka. ”
“Really Ma? Adrama mo ngayon hahaha. ”
They embrace each other and laugh as happy they could be. Natutuwa sila sa kuwentuhan nilang mag-ina.
“Mahalin mo muna yung sarili mo hanggang sa dumating yung point na mapunan ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan.”
“Ma? Pag si papa ba? Tatangapin mo pa ring? ”
“Hmm, oo naman anak. Eh, si Jared kapag ba nakipagbalikan sayo? Ahem! ”
Bumuga ng marahas na buntong hininga si Reina.
“Hayyy Ma! Malabo at saka hindi ko na siya mahal. Natauhan na po ako. Salamat sa inyo. Ako na mismong magtutulak sa kanya palayo. ”
“Oh siya... yung niluluto mo baka sunog na. Masaya ako para sayo kasi unti unti ka nang bumabalik sa masayahing ikaw. ”
“Ako pa din to Ma! Nagluksa lang ako ng ilang buwan sa Gagong yun! Kahit 'di niya deserve! ”
“Nak, ung bibig! ”
Nagtawanan ang dalawa.
Tinulungan na rin siya ng ina sa paghain ng kanilang tanghalian.
Nagsalo sila sa hapag kainan na puno pa rin ng kuwentuhan at kuwela sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
THE DAY YOU FIXED MY BROKEN HEART (Completed)
Teen FictionLoving someone with depression (mild state) and experiencing pain is one of the hardest things in the world, particularly when you can't do anything about it. In other relationship, they lived through a much less severe version of that experience...