Kaputol na part lang po ito ng chapter 3
:P
^______________^
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang araw. Nag focus muna ako sa studies ko habang si Steven ay sa negosyo, pero sympre.. Alangan namang sa negosyo lang? Sympre pati sa babae.
Nag-iintay ulit ako sa harap ng school naman ng sundo ko, nung biglang may tumigil na kotse sa harap ko. Si Steven pala. Akala ko kung sino.. Akala ko kikidnapin na ako or what.
"Sa likod ka na best." Wala naman akong sinagot, basta sumakay lang ako.
Pagsakay ko ay may babae sa harapan. Sabi ko na nga ba!
Nginitian ko na lang yung babae.
"Hello.." Parang nahihiya pa niyang sinabi sa akin.
"Hi!" nakangiti ko naman sagot.
Ilang linggo na naman kaya ni Steven na naman toh?
"Best si Cathy pala girlfriend ko, Cath si Karen bestfriend ko." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.
"Nice meeting you.." Nagkamayan pa kami.
She looks simple yet nice. Wala masyadong make-up. Simple din lang ang damit, parang style ko din.
I think ito ang pinaka nagustuhan kong girlfriend ng best friend ko.
Nagdinner kami sa labas. ipinagpaalam na pala ako ni Steven sa bahay so yun. Habang kumakain ay panay ang kuwento ni Steven about sa kanila ni Cathy. How they met, when does he started courting her, when they became couple and a lot more.
I can see through his eyes that he really loves Cathy and..
it hurts me..
It hurts me??
No!
I'm just jealous??
Yeah maybe it's just..
jealousy..
I don't know.
Tumahimik lang ako. Nakikinig lang ako sa kuwento niya, hanggang sa umuwi na kami. Inihatid niya muna ako bumaba ako kaagad.
"Best okay ka lang??"
Tumango ako. "Oo, pagod lang ako. Ingat kayo."
"Sige."
Yun lang ay umalis na sila.
Nagshower agad ako pagdating ko.. Ano ba naman tong nararamdaman ko.. Siguro takot lang ako na ipagpalit ako ni Steven..
I'm her best friend.
Best friend lang..
Pag nagkaroon na siya ng girlfriend na talagang mahal niya.. Wala na ako. Naetchapwera ang beauty ko nun.
Gusto kong maagang matulog kaya yun, pagkatapos kong magshower ay blinower ko na agad ang buhok ko..
Nung tuyo na siya ay dumiretso na ako sa kama para matulog.
Pipikit na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto. I'm wondering who is that.. Alangan naman sila mom and dad eh alam naman nilang matutulog na ako.
"it's open" yun lang ang sinabi ko. Nagulat ako nung si Steven
ang pumasok. Anong ginagawa niya dito? May naiwan ba siya??
"Ohh bakit andito ka?" takang tanong ko.
"Kasi nag-aalala ako sayo.. Parang malungkot ka kanina. Anong nangyari sayo?"
Lumapit siya sa akin..
"Wala.. Pagod lang talaga kasi ako.. Like talagang pagod." Matamlay na sinabi ko.
Nakahiga pa rin ako habang siya nakaupo sa gilid ng kama.
"Gusto mo ba si Cathy para sa akin?"
"Bakit ako yung tinatanong mo tungkol jan??"
Napakibit-balikat lang siya..
"Wala lang.. Kasi alam ko, alam mo kung sino yung pinaka-okay sa akin.."
"Best.. Kung sino yung mahal mo at gusto mo okay na okay na sa akin.. Ang mahalaga masaya ka.."
------------------------------------------------------------------------------------
Steven's POV
Ikaw yun makakapagpasaya sa akin.. Yun sana ang sasabihin ko.. Yun sana ang gusto kong sabihin. Kaso kasi adik tong best friend ko kay Arkin ehh..
Tsaka.. Natatakot din kasi akong mawala siya sa akin. Paano kung, aminin ko sa kanya yung nararamdaman ko.. At sakto hindi niya natanggap yun?
Paanoh kung mawala siya sa akin dahil lang sa pag-amin ko..? Hindi ko kaya.. Hindi ko siya kayang mawala.
She's my best friend..
My first love..
My one and only..
My fiancé..
And my only babe..
"Mabait naman siya ehh.. Actually parang magkatulad nga kayo ehh.."
Totoo yun.. Si Cathy parang si Karen. Simple.. Mabait.. Maganda at maalaga.
nagustuhan ko siya kasi nakikita ko si Karen sa kanya.. Tama ba tong ginagawa ko?
Well.. Wala naman akong choice..
"Basta andito lang ako.. Pag masaya ka, masaya na rin ako. Automatic yan!" Nakangiting sabi ni Karen sa akin.
"Sige na, sige na! Matulog ka na!"
Pumikit naman agad siya. Tulog mantika tong si Karen ehh.. Pag pikit, tulog agad.
Tinitigan ko muna siya bago ako tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
One wish (Lee Min Ho and Park Min Young) ON-HOLD
RomantikSi Karen, simple pero masaya na.. One day nagpakita sa kanya si Cupid at sinabing bibigyan siya ng one wish.. Nung una akala niya panaghinip lang lahat pero bumalik si Cupid para tuparin ang hiling niya.. Paano kung sa huli malaman ni Karen na mali...