One Wish (Chapter 15.5)

1.2K 28 1
                                    

Arkin's POV

Pagkatapos nung gabing yun ay hindi ko na nakalimutan si Karen. Halos ara-araw ah nagpupunta ako sa mall kung saan kami nagkikita dati. Hindi ko siya maitext or call dahil wala akong dahilan. Nakakahiya naman kung tatawagan ko siya ng wala ng purpose.

Ano bang nangyayari sa akin?

Am I inlove with Karen??

Nainlove ako sa babaeng dalawang beses ko pa lang nakakausap.. Ni hindi ko kilala kung sino ba talaga siya.

All I know is her name..

Karen..

She's Karen..

Ang babaeng pinagaan ang pakiramdam ko nung oras na kailangan na kailangan ko ng tulong.

Siya yung andun.. Unang kita ko pa lang sa kanya ang gaan-gaan na talaga ng loob ko..

Hindi ko na siya makalimutan..

Lagi ko siyang naaalala.

Haaaayyyyy!!

Ano bang meron si Karen?

Francheska's POV

"Asan kaya si Arkin??" Tanong ko kay Nikki, ang make up artist ko. Kasama ko din si Scarlet, ang bakla kong hair stylist. 

"Uyy! Ang lola namimiss ang papa." Birong sabi ni Scarlet sa akin. 

Hindi na kasi minsan dumadaan si Arkin sa tuwing gabi para mag goodnight sa akin. Minsan hindi na rin siya nagtetext or nagcacall.. 

Sa tuwing matutulog nga ako ay nag-aalala ako sa kanya. Inaalala ko lang kasi kung nakauwi na ba siya o kung kumain na ba siya ng dinner.. 

Alam ko madami akong pagkukulang sa kanya. Minsan hindi ko nagagawa yung gusto kong gawin.. yung mga bagay na magshoshow how much I care for him.. 

"Hindi nuh! Kasi naman baka mamaya maintriga na naman kami.. Baka kung san san siya nagpupupunta." Pagdadahilan ko. 

"Alam mo si Arkin anjan lang yan." Sabi ni Nikki. Close sila ni Arkin. Minsan nga sa sobrang close nila nalalagyan ko na ng malisya. 

"ang sabihin mo kasi, namimiss mo lang siya." Sabi ulit ni Scarlet. "Alam mo kapag anjan yung tao pinapaalis mo. Kapag wala siya hinahanap mo." 

"Hindi ko naman siya pinapaalis." 

"Naku girl! Yang cold treatment mo sa kanya, parang way of saying mo yun na umalis siya." Sagot ni Scarlet. Nakikinig lang naman si Nikki sa amin. 

"Ganun ba ako sa kanya?" 

"Ay hindi hindi" 

Natahimik na lang ako. Doon naman biglang sumingit si Nikki. 

"Minsan kapag yung tao nawala, doon mo marerealize kung gaano kalaki ang part na sakop niya sa buhay mo." Sabi niya. 

mawala? 

May mawawala na naman ba sa buhay ko? Kagay ng pagkawala ni mama at papa?

Nung bata pa ako akala ko prinsesa na ako.

Kasi nakatira ako sa pagkalaki-laking bahay na parang palasyo. Sabi ko nga..

I'm the luckiest girl alive, kasi I have a dad which takes care of me more than a princess and a mom that will always be there no matter what happen. 

Pero nagbago lahat yun.. 

Ang akala ko ang buhay araw-araw saya, yun kasi yung sinabi sa akin ni daddy and mommy. Yun din kasi yung pinaramdam nila sa akin. 

Yung walang problema.. 

Kaya nung naaksidente sila sobra talaga akong nahirapan. Feeling ko iniwan na ako ng lahat. 

Nawala si mommy pati si daddy.. 

Nawala yung dalawang tao na nagpapasaya sa buhay ko. Nawala yung dalawang taong nag promise sa akin na hindi ako iiwan.. 

Sa isang iglap lang, yung pamilyang perpektong nakagisnan ko ay biglang nawala. 

Bata pa ako kaya that was really a big challenge for me.. Ang mabuhay ng mag-isa. 

Iisa lang naman ay nakapagpangiti ulit sa akin ehh. At si Arkin yun. 

Siya yung umalalay sa akin.. Siya yung nag pursige na bumalik yung dating ako.

Nasanay ako na anjan siya. Pinapatawa ako.. Kinukulit..nagkikwento ng kung anu-ano.. 

Naging parte siya ng buhay ko but one day he was gone.

Nagpunta ako ng bahay nila pero wala siya. Hinanap ko siya.. Wala na siya. 

Isang iglap din lang ay naglaho siya, parang sila mommy and daddy lang. Nung umalis siya dun kami naging close ni Steven. He entered to my life by making me feel that I have someone to lean on. Kuya-kuya ko siya dati ehh pero bigla na lang nag-iba yun. Gusto ko siyang maging akin.. 

Yung akin na.. Yung hindi na siya mawawala. 

I became so desperate after what happened to me na ilang beses ng naiiwan. 

Then Arkin came back.

I actually don't know what to feel.. Kung magiging masaya ba ako o matatakot ako. 

Masaya kasi bumalik siya. 

Takot kasi baka umalis ulit siya.

I decided to just chase Steven instead of him, kasi si Steven anjan lang. Kahit hanggang ngayon anjan pa rin siya. He never leaves..

Pero minsan nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko.. K

asi hindi ko pa rin maalis yung dating pagmamahal ko kay Arkin. 

Sometimes kapag naiilang ako, pinapaalis ko na lang siya. Mas okay nga ehh.. Kasi napansin ko. The more you push someone away from you, the more they stay.

Yun siguro yung dahilan kung bakit hindi ko siya magawang bigyan ulit ng parte sa buhay.. Although I can't deny that he's a part of my life.. Pero iniiwasan ko na lang yung reality, ayoko kasing maiwan na naman niya.

Ang weird nuh?

I'm weird and I know that.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

One wish (Lee Min Ho and Park Min Young) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon