9. The Garden

234 11 0
                                    

Chapter Nine

Alphecca stared out of her bedroom's window. Kahit saan siya tumingin ay tanging mga kakahuyan lamang ang sa paligid. The mansion is in the middle of nowhere and she is starting to get hopeless. Isang linggo na siya sa puder ng mga Phrix at mukhang tatagal pa siya roon. Ayaw niyang isipin na habambuhay na siyang mananatili roon. Umaasa pa rin naman siya na makakaalis pa siya at makakabalik sa dati niyang buhay.

She sighed before laying down on her soft velvet bed. So far her stay here wasn't that bad. Yes, the vampires tend to get a bit rude and scary sometimes pero maliban doon ay okay naman sila. They provide her everyday needs and she's grateful for that. Hindi naman sila ganoon kasama. Talagang gusto lang nila na katakutan sila and they also don't care about the word "privacy" and "personal space." And most of the time, Alphecca gets scared because of their various attempts to bite her. But of course hindi nila magawa dahil pagmamay-ari daw siya ni Agnus.

Hindi niya maiwasang mamula habang inaalala ang gwapong binatang bampira. Hindi pa rin niya makalimutan kung paano siya hinalikan nito noong nakaraang linggo. The ghost of his lips against her is still there, haunting her everytime she sees him. Kakaiba ang epekto ni Agnus sa kanya at hindi niya iyon makakaila. She wasn't even able to sleep that night after he kissed her and left hickeys on her neck. Nakakahiya mang aminin pero hinahanap-hanap niya ang halik ng binata and she hates herself for that.

How can she be attracted to a vampire? A cold and sadistic vampire, to be exact. Is it the effect of being The One? Pero ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging The One niya? Kahit isang linggo na siyang namamalagi doon ay wala pa rin siyang masyadong nalalaman. And looks like the vampires don't have any intention to let her know anything anyway. Masyadong marami ang mga sikreto at misteryo sa loob ng Phrix Mansion. Basta ang tinatandaan lang niya palagi ay huwag masyadong lumapit sa mga bampira. They are still dangerous, after all. Her daily routine consists of eating breakfast in the dining hall, locking herself in the bedroom, eating lunch in the dining hall again, going back to her room and the cycle goes on.

She sighed before sitting up again. Kakatapos niya lang kumain ng tanghalian at ngayon ay mag-isa siya ulit sa kanyang kwarto. Palaging wala ang bampira kung umaga at tuwing hapunan niya lang nakakasama ang mga ito. Not that she wants to be with them anyway. Natatakot pa rin siya at alam niyang gustong-gusto ng mga ito kapag nanginginig siya sa takot dahil sa kanila. Nababagot na siya sa mansion. And the more she gets bored, the more she misses her home. She miss going out, she miss shopping with her mom and most of all, she miss performing for her fans. She misses her old life so much.

Alphecca frowned when she heard a knock from her door. Is it one of the vampires? Is it Agnus? Her heartbeat quickened at the thought of him. Anong kailangan niya? Mabilis siyang pumunta sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili. Nang masiguradong presentable na ang kanyang mukha ay lumapit siya at binuksan ang pinto.

Nakatayo si Laurus sa labas at nakangiti pa ito sa kanya. Mas nadagdagan ang kagwapuhan nito sa suot na itim na polo na naka-roll ang manggas hanggang sa siko. Nakabukas din ang unang tatlong butones ng polo kaya kitang-kita ang matipunong dibdib ng binata.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing bampira ang lalaki dahil sa maamo niyang mukha at magandang ngiti. But his glowing red eyes tells otherwise.

"Anong kailangan mo?" Alphecca asked cautiously.

"Are you disappointed? Si Agnus ba ang inaasahan mo?" Nakangiti nitong sabi.

"Hindi ah!" She immediately denied.

Pero sa kaloob-looban niya ay alam niyang tama ang binata. Pero bakit nga ba hinahanap-hanap niya si Agnus? Is it because of the kiss? Halik lang naman iyon eh! Atsaka marami na rin siyang mga lalaking nahalikan noon. So what's so special about his kiss? Bakit hindi niya maialis ito sa kanyang isip?

Snow White and the Seven VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon