11. The Necklace

310 12 3
                                    

Chapter Eleven

Matagal bago makatulog si Alphecca at nang magising siya ay sikat na ang araw. The first thing she noticed when she got up was the breakfast beside her bed. Ibig sabihin ay hindi na naman niya makakasama ang mga bampira sa pagkain.

Muli na naman siyang nag-alala. Okay lang kaya sila? Bampira sila kaya hindi naman siguro  sila nasaktan diba?

Sinimulan niyang kainin ang kanyang almusal habang iniisip kung anong gagawin niya. Natatakot siyang lumabas ng kanyang kwarto dahil baka may mga halimaw pa sa paligid. Pero gusto niyang makita ang mga bampira para masigurado niyang ayos lang sila.

Hindi pa niya natatapos ang pagkain nang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok si Agnus na pasuray-suray. Wala itong damit pang itaas at ang kanyang katawan ay nababalot ng benda.

"A-agnus!" Mabilis na tumayo si Alphecca at inalalayan ang binata.

Maingat niya itong inihiga sa kanyang kama at nang maayos na ang posisyon nito ay lumayo siya ng konti. Namumutla si Agnus at mukhang iniinda nito ang sakit sa kanyang katawan. Alphecca can feel her heart growing soft while looking at his handsome face. Nasasaktan rin pala siya. Hindi niya maiwasang maawa sa binata. He is scrunching his face in pain and it's the first time that she saw him  look so vulnerable.

Nagulat siya ng bigla siyang hinila ni Agnus, dahilan upang pumatong siya sa kanya. The awkward position made her blush furiously.

"Teka Agnus, ang sugat mo." She tried to move but he embraced her tightly.

Mas lalong namula si Alphecca nang malanghap niya ang mabangong amoy ng binata. Ramdam din niya ang init ng katawan ng binata na mas lalong nagpapula sa kaniya.

Binaba siya ng binata sa tabi nito ngunit bago pa siya makagalaw ay muli na naman siyang niyakap nito ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba?" She want to slap herself for her stupid question. Obvious naman kung ano ang sagot. Minsan talaga ay ang tanga niya.

Agnus groaned in response before pulling her towards him more. "Pagod lang ako."

She have a close view of his face and she sighed while looking at it. Ang mahabang pilikmata kaagad ni Agnus ang nakakuha ng attention niya. All of the Phrix brothers have long eyelashes but Agnus have the longest.

Alphecca hesitated at first but then she slowly reached out her hand and wrapped it around Agnus, hugging him back. Agnus tensed up lightly but after awhile he relaxed in her arms. She can't believe that she's actually cuddling with him right now. Still, it felt nice.

Pinagmasdan niya ulit ang nakapikit na binata. He looks so pale. Ganoon ba kalakas ang halimaw kagabi para mahirapan siya ng ganito? She wondered if the other vampires are also hurt. Sana naman ay hindi.

Napunta ang tingin ni Alphecca sa leeg ni Agnus kung saan may isang kwintas na nakatali. It is a thin silver chain with a pendant of a violet compass. Napakaganda. Kung pwede niya lang hingiin ito ay gagawin niya. But of course that is impossible.

Hindi namalayan ni Alphecca at nakatulog ulit siya habang yakap-yakap ang binatang bampira.

---

"Look at them." Zeltan told Eldoris as they stood in front of Alphecca's bedroom.

"Malapit na kuya. I can feel it." Eldoris said.

"Ako rin. Tatlong dekada ang hinintay natin. Sa wakas ay matatapos na ang ating paghihintay."

"Sana lang ay maging handa si Agnus kapag dumating na ang nakatakdang panahon."

"He can't mess this up again, Eldoris. We can't let him."

"I know pero paano kung maulit ulit ang nangyari noon?"

"That's why he have to control his self. This is our last chance."

----

Nakangiti ako habang pinupunasan ang mga butil ng pawis sa aking noo. I just finished cooking soup for Agnus. Gabi na pero tulog pa rin siya sa aking kwarto. Hindi siya nakakain ng tanghalian kaya naisipan kong ipagluto na lang siya. I don't know what he likes to eat kaya ito na lang ang niluto ko. I'm not a good cook but I hope he'll like it.

Nakasalubong ko si Crixus habang papalabas ako ng kusina. Kaagad niyang tiningnan ang hawak kong bowl.

"Anong ginagawa mo?"

"Nagdadala ng pagkain?" Sagot ko.

"Obviously, Alphecca." He rolled his eyes. "Is that for Agnus?"

I avoided his stare at me. "Uhmm oo."

I heard him chuckle a little. "So you care for him,huh?"

"Mauna na ako." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nagmadali na lang akong umakyat ng hagdan papunta sa aking kwarto.

Do I care for Agnus? Ewan. Hindi ko alam. Siguro. I'm still in denial about my feelings for him. Sino ba namang matinong tao ang magkakagusto sa isang bampira?

Gising na siya at nakaupo pagdating ko sa kwarto. Muli na namang dumapo ang aking tingin sa kanyang kwintas. Ang ganda talaga. I don't know why but there's just something about the necklace that drawns me in it.

"Uhmm... Hindi ka nakapagtanghalian kaya ipinagluto kita." I gave him a small smile. "Kain ka na."

He didn't said anything and just watched me. Bigla tuloy akong na-conscious. Siguradong ang haggard kong tingnan ngayon. I gathered up the courage to approach him and I put the bowl on the small table beside the bed.

"Alphecca." Bahagya akong napapitlag nang bigla na lang siyang lumitaw sa aking likuran at hinawakan ang aking beywang.

"Teka, Agnus." I tried to move away but he won't let me go. I'm not afraid. I just feel awkward. Masyado siyang malapit and it's making me uncomfortable.

He didn't said anything. Instead, I felt him brush my hair away from my neck before he sniffed on it. It gave me the goosebumps. Gusto ko mang magprotesta ay parang ayaw sumunod ng aking katawan. A-anong balak niyang gawin?

Napasinghap ako nang aking maramdaman ang biglang pagbaon ng mga pangil ni Agnus sa aking balat. He started sucking my blood and I'm too late to stop him. Masakit. Ramdam ko ang unti-unti kong panghihina hanggang sa tuluyang bumigay ang aking mga tuhod.

Tumigil naman na si Agnus pero hindi niya ako binitawan. He carried me in a bridal style towards the bed and he set me down gently on it. Hindi ako makapagsalita dahil sa panghihina. I suddenly felt sleepy and I let  out a yawn. Unti-unti na ring dumidilim ang aking paningin.

And the last thing I remember before drifting off into sleep was seeing Agnus' face so close, his lips against mine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Snow White and the Seven VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon