7.The Seventh Son

292 14 0
                                    

Chapter Seven

Alphecca's POV
Sikat na ang araw nang magising ako dahil sa sakit ng aking ulo.Ano bang nangyari kagabi at parang nagka-hang over ako?Parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit.

Mabilis akong bumangon sa kama habang hawak hawak ng dalawa kong kamay ang aking ulo.Hindi ko alam kung saan ako papunta pero mistulang may sariling pag-iisip ang aking mga paa at natagpuan ko nalang ang aking sariling naglalakad papunta sa kanang bahagi ng mansyon.

Habang naglalakad ay nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari kahapon.Magmula sa pagtangka kung tumakas hanggang sa may kung anong ginawa si Eldoris sa akin na nagpabago sa aking isipan.Pagkatapos ay sinabayan pa niya akong kumain ng hapunan at inihatid sa aking kwarto.

Ginamitan ba niya ako ng kanyang kapangyarihan?Sunod-sunuran ako na parang aso sa kanya kahapon.Pero ngayon...habang sumasakit ang aking ulo ay parang unti-unti ding nawawala ang epekto ng kung ano mang ginawa niya sa akin.

At bakit ko naman gugustuhing manatili dito?Bampira sila at pwede nila akong patayin ano mang oras.Delikado ang buhay at dugo ko dito.Gusto ko nang umuwi.Malamang ay nagtataka na si mama kung bakit hindi pa ako nakakabalik.

Si Adora...paano niya nagawa iyon?To think na idolo ko pa naman siya pero isa pala siyang masamang tao.Ang sakit isipin na gusto niya akong ipapatay.Ganoon na ba kalaki ang galit niya sa akin?

At ang sinasabi nilang "The One" daw ako.Hindi ko sila maintindihan at sa tingin ko ay wala din naman silang balak ipaalam sa akin kung ano ang tinutukoy nila.

Mas lalo pa yatang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.Normal lang naman ang buhay ko noong isang araw lang.Pero ngayon ay stuck na ako sa isang mansyon kasama ng pitong mga bampira.Argh!Ano bang nangyayari sa buhay ko?Nakakainis!

Matapos kong maglakad ng ilang minuto ay tumigil ako sa harap ng isang malaking pinto.Tumingin muna ako sa paligid bago dahan dahan itong binuksan.

Pagsilip ko sa loob ay ito pala ang dining hall na kinainan namin kahapon.Malawak at sa loob ay may isang mahabang mesa.Katulad ng ibang mga bagay ay kulay pula din ang tablecloth ng mesa pati ng mga kurtina.

Hindi na ako nag atubili pang pumasok at kinuha ang isang baso ng tubig sa mesa.Dali dali ko itong ininom at medyo nawala ng konti ang sakit.

"Gising ka na pala."

Napatingin ako sa likod ko at napaatras ako ng makita ko si Odris sa aking harapan.Nakasuot siya ng itim na long sleeve at puting pantalon.Napasinghap ako ng makita ang mga bahid ng dugo sa kanyang pantalon at mga kamay.

Napaatras ako ng konti habang siya naman ay parang normal lang na pinunasan ang mga dugo gamit ang table napkin.

"Nagugutom ka ba?"tanong niya sabay titig sa aking mga mata.

Kaagad akong umiwas ng tingin."H-hindi naman masyado."

Ang awkward.Natatakot akong sumagot sa kanya dahil baka may mali akong masabi at patayin niya ako.Maski paghinga ay parang nahihirapan akong gawin dala ng takot.

Odris roll his sleeves up which revealed his snow white skin.Lahat ba ng bampira ay mapuputi?Wait no.Kayumanggi ang kulay ni uh..sino nga ba ulit yun?Si Crixus ba?I'm not sure.

"Alam mo bang tayong dalawa lang ang natitira dito sa mansion,Alphecca?Malaya akong gawin kahit anong gusto ko sayo,"nakangiting sabi niya.

Muli akong umatras nang nagsimula siyang maglakad palapit sa akin.Sa bawat hakbang niya ay siya namang pag-atras ko hanggang sa dumikit na sa dingding ang aking likod.

"W-wag.Please,"I pleaded.

"Please?"natawa si Odris kaya kitang kita ko ang matutulis niyang ngipin."Hindi yan gumagana dito sa amin Alphecca.Walang saysay ang pagmamakaawa mo."

Snow White and the Seven VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon