10.The Monster

234 11 0
                                    

Chapter Ten

The vampires seems agitated that day. Noong una akala ni Alphecca ay imahinasyon niya lamang iyon pero hindi. All of them are acting weird and she is curious why they are all like that. She tried asking Eldoris and Laurus but they just ignored her.

"They are all acting weird and mysterious. I can't help but feel like something is up."

She sighed before continuing to eat her dinner. Nag-iisa siyang kumakain ng hapunan ngayon. Ito ang unang beses na hindi niya kasama ang mga bampira. Simula nang magtakip silim ay hindi na niya nakita kahit isa sa kanila.

Mabilis niyang tinapos ang pagkain at bumalik sa kanyang kwarto. Something about the mansion's atmosphere is making her feel a little nervous. Pakiramdam niya ay nasa panganib siya although that's quite funny to think since she's already in danger when she first came here. Still, she can't help but feel worried.

Wala sa sariling napatingin siya sa labas ng bintana. Maliwanag ang gabi dahil sa bilog na buwan. It's full moon. Does that have anything to do with the way the vampires are behaving earlier? That must be the reason. Pero ano naman ang kinalaman ng buwan sa mga bampira? Diba aswang lang naman ang mahilig gumala kapag bilog ang buwan?

Alphecca sighed and shook her head. All this thinking and worry makes her head ache. She stood up and went to the shower room. She strip up all her clothes and went in the large bathtub that is full of milk.

Habang nakapikit siya ay naalala na naman niya ang nangyari noong nakaraang araw. She actually hold hands with Agnus.  The Agnus Phrix who is as cold as ice. Or maybe not. Kahit kasi hindi nagsasabi si Agnus ay ramdam ni Alphecca ang malasakit ng binata sa kanya. Or maybe she's just imagining things. Isa ba ito sa mga epekto ng pagiging The One niya? Does being The One means she'll fall in love with a vampire? When she was younger she used to dream about meeting and falling inlove with the destined guy for her. She imagined him as a handsome policeman or a doctor and he would court her until she finally said yes. And when they are finally ready, they will marry each other in a beach wedding. That was her dream.

And never in her life had she imagined herself falling inlove with a cold vampire.

At least he is handsome.

Kung kanina ay stressed siya ngayon naman ay nakangiti na siya. That's how Agnus affects her. Just thinking of him makes her smile immediately. She's longing to hold his hand again. His hand feels so soft against her own. Like they belonged there to be with her. Like it was destined. Muli na namang napangiti si Alphecca dahil ang cheesy na ng mga iniisip niya.

She suddenly tensed up when she felt a presence inside the room. Minulat niya ang kanyang mata at nagulat siya nang makita si Agnus sa harap niya.

"Agnus! Bakit ka nandito?!"

She's thankful that the water is up to her shoulders dahil kung hindi ay kanina pa nakita ng binata ang katawan niya.

"Alphecca..." Agnus took a step forward. "I... I need you."

That's when she noticed that he's not normal. Nanginginig ang katawan ng binata lalo na ang kanyang dalawang kamay. Ang dating kulay pula niyang mata ay itim na at ang kanyang pangil ay nakalabas.

"T-teka!" Her eyes widened in fear when he grabbed her shoulders.

Sinubukan niyang takpan ang sarili pero nayakap na siya nito. Nagsimula siyang magpumiglas habang si Agnus naman ay hinalikan ang kanyang leeg. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo when he started licking her skin.

"Agnus! Bitawan mo ako!" She cried.

"I need you, Alphecca." Parang baliw na baliw si Agnus. Sobrang higpit ng hawak nito sa kanyang beywang at braso at kung magtatagal pa ay magkakapasa na siya.

"I need you. Don't deny me. I need you right now."

"Agnus, wag!"

Biglang lumitaw sina Zeltan, Crixus, Odris at Eldoris. Hinawakan ng tatlo si Agnus habang si Eldoris naman ay nilayo si Alphecca sa binata. Nagsimulang magwala si Agnus pero naglaho na silang apat. Naiwan si Alphecca na gulat na gulat pa rin sa nangyari.

"Pasensiya na sa nangyari, Alphecca. Nalasing kasi si Agnus." Sabi ni Eldoris at inabutan siya ng tuwalya.

That's when she realized that she is naked. Mabilis niyang kinuha ito at itinapis sa sarili.

Alphecca sighed. "Ganyan ba kapag nalasing ang isang bampira?"

She's not buying his story. Maybe it's just her but she think that Agnus is not really drunk. Pakiramdam niya ay hindi iyon ang totoong rason. Kung totoong lasing ito, bakit itim ang kanyang mata? Pero hindi na lang siya nagtanong pa.

Tumikhim si Eldoris. "Kailangan ko nang umalis. Kahit anong mangyari ay huwag kang lumabas ng kwarto mo. Ang mabuti pa ay matulog ka na."

She looked at the wall clock. 7:30 pa lang ng gabi. Bakit naman gusto nitong matulog na kaagad siya? She's feeling suspicious. May tinatago sila at baka may kinalaman ito sa pinaggagawa ni Agnus.

"Okay. Inaantok na rin naman na ako." Pagsisinungaling niya.

Eldoris sighed and look at her in the eyes. "Just follow what I said, okay? Huwag na huwag kang lalabas ng kwarto mo."

"Oo na."

Eldoris disappeared in front of her which didn't surprised her anymore. Unti-unti na rin na siyang nasasanay sa mga kakaibang bagay dito sa mansion. She's living with seven vampires so she should get used to it now.

Pagkatapos niyang magbihis ay pinatay na niya ang ilaw ng kanyang kwarto. She is wearing a thin white long gown and a red sweater over it. Almost all of the clothes in her closet are gowns and dresses so she don't really have a choice. If it's not for the fact that the mansion is full of vampires, she would have felt like a princess already.

Nakapikit siya ngunit ang kanyang diwa ay gising na gising. Hindi siya makatulog at wala rin siyang balak na matulog. She's waiting for something. Hindi niya alam kung ano pero ramdam niyang may mangyayaring kakaiba. Her instinct never fails her.

It was ten p.m when she heard a loud roar outside. She opened her eyes at nakiramdam sa paligid. There's a commotion outside and there must be an animal or something because she can hear loud angry roars.

Nagdadalawang-isip siya kung lalabas ba siya ng kwarto o hindi. But in the end, her curiosity won again. Pumunta siya sa pinto at sinubukan itong buksan. But looks like Eldoris doesn't trust her since the door is locked. Alphecca sighed in frustration. The commotion outside is getting louder and she's dying to see what is happening. Kahit siguro ay hindi naman niya kakayanin.

Lumapit siya sa bintana ng kanyang kwarto. Katulad ng pinto ay naka-lock rin ito. Itinabi niya ang kurtina at sumilip sa labas. And what she saw made her shiver in fear.

May isang dambuhalang halimaw ang nasa labas ng mansion at kasalukuyang kalaban ng mga bampira. May pakpak, maiitim na mata at sungay. It was exactly the same monster from her dream before. Pero paano iyon nangyari? It was like her nightmare came true.

Mabilis niyang isinara ang kurtina nang tumingin sa kanyang direksiyon ang halimaw. It's stare was enough to make her shake in fear. Tumakbo siya pabalik sa kanyang kama at nagtalukbong ng kumot.

So that's the reason why? Marami siyang mga tanong sa kanyang isip. Saan galing ang halimaw? Bakit ito narito? Kaya kaya iyon ng mga Phrix?

Without knowing it, she's already praying for their safety.

Snow White and the Seven VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon