Aera Isabelle
I keep on checking my phone while driving. Nagtext kasi ako kay Trojan ng 'Sorry' pero hindi parin siya nagrereply. Susko! Sana talaga ay walang hard feelings na kinikimkim si Trojan kundi ihahard ko talaga ang buddy niya mamayang gabi.
Nakarating na ako sa bulok naming mansion ng wala paring reply si Trojan. Nang tinanong ko sa isa naming katulong kung nasaan ang magaling kong ama na si Aaramon ay muntikan ko ng inuntog sa pader ang katulong namin dahil sa sobrang bad trip. As usual ay nag-chandelier si Aaramon or one two three in other term. Ganyan naman siya palagi sakin, kaya mahal na mahal ko iyang si Aaramon dahil lagi akong dini-ditch. Nakakapanggigil lang.
Minsan talaga ay naghihinala na ako kay Aaramon kung Businessman ba talaga siya o isa siyang undercover spy. Palagi kasing sumasakto ang pagtawag niya kapag may ginagawa akong milagro o 'di kaya'y nakikipag-"tongue eat" kay Trojie baby.
So ayun, days passed at naging monotonous ang life. Sa sobrang imbyerna ko dito sa bahay ay tinext ko lahat ng mga kabarkada ko para magsleep-over dito. Wala namang magagawa si Aaramon dahil una, hindi iyon uuwi ngayon dahil nasa Batangas daw siya. Pangalawa ay ako ang boss dito, char! At walang makakapigil sa akin, char ulit.
Nagsi-reply naman ang lahat na makakapunta. Well except kay Josh na nasa Australia ngayon for their fashion week.
Then nagpahanda na ako sa mga katulong namin ng mga makakain. After few minutes ay biglang may nagsipasok ang mga aspin kong mga barkada sa sala. Tinitigan ko ang mga bag na dala nila at napatitig. Susmiyo! Yung totoo, sleep-over ba ang pakay nitong mga 'to o naglayas sila?
"Dude saan ang kwarto namin?" naiinip na tanong nila Audrey. Napataas naman ang kilay ko sakanilang anim.
"Feel at home mga teh? Pinapasok ko na ba kayo rito sa mansion ko?" untag ko. Sumimangot naman 'yung pito.
"Edi 'wag! Doon nalang tayo sa bahay mag-sleep over," madramang saad ni Athena habang nakikisakay naman sa drama sila Gione, Eya, Audrey, Lenz, at Marcos. Dahan-dahan silang nagmartsa palabas with matching sad face pa.
"Sige. Pakisabi nalang din kay Troj na doon nalang ang pagsleep-over'han niyo. And ipapamigay ko nalang sa mga blockmates ko 'yung mga inuwi ni dad na souvenirs and gifts na para sa inyo," balewala kong sagot pero parang nakarinig sila ng mga anghel na kumakanta ng banggitin ko ang salitang souvenirs and gifts. Nag-unahan naman silang bumalik sa akin. Mga 'to talaga. Nanggaling sila sa mayayamang pamilya pero parang mahihirap ang asta nila at lagi pang nagpapalibre. Susmiyo sakit sa matris.
"Ate ganda naman! Joke lang iyon diba? Diba guys?" nagsi-agree naman ang mga ugok sa sinabi ni Athena. Parang tanga lang talaga. Ate ganda pang nalalaman, ingudngod ko itong babaeng 'to sa singit ko makikita niya.
Alas nuebe pa lang ng umaga ay nandito na ang anim na mga kalat sa mansion. Expected na maaga sila dahil halata namang excited ang lahat sa sleep-over na magaganap dahil una, first time ko lang mag-aya ng sleep over sa mansion dahil maliban sa malungkot ang vibe dito sa bahay ay makalat din dito. Pangalawa, mag-paparty party kami at walang mga istorbo dahil pinag-day off ko lahat ng mga katulong namin. Pangatlo, kasi maganda ako.
Nang dumating si Trojie baby ay nagulat ako dahil may bitbit siyang isang box ng alak at isang box ng softdrinks, juice, at mga pulutan.
"Susmiyo! Ano to? Magsha-shower tayo ng alak?! Last day na ba nating lahat ito kaya magpapakalasing tayo?" naghihisterikal kong tanong kay Trojan nang mailapag na niya sa sala ang mga bitbit niya na mga karton. Susko! Nakaka-stress sa matris!
"Weak naman. Kulang pa ito." kaswal na sagot ni Troj na sinang-ayunan naman ng lahat. Palibhasa kasi mga tanggero itong mga 'to.
"Ipapakuha ko pa kay Papa mamaya 'yung natirang isang box sa bahay." dagdag pa niya na nagpawindang pa sa akin lalo.
"Anong laman niyang dala niyong tatlong maleta, ha Eya at Lenz? Naglayas ba kayo sa inyo?" kung kanina ay O.A. na ang reaction ko, ngayon naman mas O.A. na naman. Agaw pansin kasi ang dala nilang dalawa na malalaking maleta.
"Foods." pa-cool na sagot ni Lenz. Agad kong nilapitan 'yung tatlong maleta at nagulat nang makita na maraming itong laman na mga pagkain. Cup noodles, chichirya, marshmallows, candies, chocolates, pulang itlog, harina, cream, at marami pa. Yung totoo lang ha? Camping ba ito o sleep over?
"Anyway, guys may naisip ako." naagaw naman ang atensyon naming lahat nang tumayo si Trojan my loves.
"Ano iyon?" tanong ni Eya habang naglalagay na naman ng make-up sa mukha niya. Ito talagang babaeng ito, walang kasawaan sa paglalagay ng kolorete. Nagmumukha na tuloy siyang uod na rainbow.
"Let's play spin the bottle." nakangiting aso niyang sagot.
"The daring version." Dagdag ni Trojan.
Oh Trojan my love. I know what you're thinking right now.
BINABASA MO ANG
Pleasure
RomanceKwentong Tropa Series : Aera Isabelle Flores and Trojan Schmidt Ferrer