Aera Isabelle
"What? No!" umalingawngaw sa buong kuwarto ang pagsigaw ni Trojan habang ako naman ay natulala sa isang tabi. I admit na maski ako ay hindi ko nagustuhan ang lumabas na salita mula sa bibig ko, hindi ko pwedeng sabihin na 'Lul joke lang!' iyon dahil masyadong seryoso ang usapan namin ngayon. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero huwag nalang. Kung um-oo man siya, ibigsabihin noon ay may iba na nga si Trojan. Nakakagulo ng utak, ganito ba talaga kapag buntis, nagiging paranoid, over reacting at iyakin ang babae?
"Kung gusto mo talagang malaman kung bakit ako umuuwi ng late at kung bakit amoy babae ako, then you need to come with me tomorrow and I'll show you kung ano ang pinagpupuyatan ko," tuloy-tuloy niyang salita. Lumapit siya sa akin at hinila ang kumot na nakatalukbong sa akin at unti-unting lumapit sa akin. His face is half an inch away from mine, hindi ko maiwasan ang mapalunok. Susmiyo. Kahit na galit ako sakanya, hindi ko parin maikakaila na walang nabawas sa pagmamahal ko sakanya at ganun parin ang epekto niya sa akin sa tuwing lumalapit siya sa akin.
"I love you so much Aera," natulala ako sa sinabi niya. This is the second time na sinabi niya ang I love you ng directly. At may kasama pang so much. I felt something kicking on my tummy. Kinikilig rin ata si baby.
"Please huwag kang makipaghiwalay sa akin. My life would be empty without you and our baby. Tsaka huwag mong isipin na may iba ako, ikaw lang ang una at huling babae kong mamahalin at sasabihan ng I love you hanggang sa pagtanda," umiiyak na si Trojan at nababasa na ang mukha ko dahil sa luha niya. Kumikirot ang puso ko lalo na nang isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko para itago ang mukha niya.
"Dapat pala hinintay na muna kitang manganak bago ako gumawa ng move para sa future natin. Muntikan ng mawala ang anak natin dahil sa akin. I'm so sorry Aera, promise hindi na kita isu-surprise hanggat buntis ka. Just.. just don't leave me," nagulat ako dahil sa sinabi niya. Muntik ng mawala ang anak namin? Tapos naalala ko bigla ang pagdudugo ko kanina. Sinisi ni Trojan ang sarili niya dahil sa nangyari samin kanina kahit na ako naman talaga ang may kasalanan kaya ako dinugo.
Pero wait, 'Para sa future namin?' at ano namang surprise?
"Surprise?" tanong ko. Lumayo sa akin si Trojan atsaka pinunasan ang mga mata niya. Ngumiti siya ng maliit at umiling.
"Isu-surprise sana kita sa pagpo-prospose ko sa'yo. Nagpatayo ako ng bahay natin at kumpleto na ang mga gamit, kaamoy mo 'yung kwarto natin. Tsaka nag-aayos ako sa bahay natin kaya ako ginagabi na sa pag-uwi. Pinapunta ko rito si Trojean para tulungan ako sa pag-aayos ng gamit at para tulungan ako sa pagpo-propose sa'yo kasi mahilig siya sa interior design," doon na ako nakaramdam ng guilt. All this time, iniisip kong may iba si Trojan pero heto pala siya't inaayos ang mga gamit namin para sa future. Gusto kong maiyak dahil sa kagagahan at ka-oa'han ko.
"Sorry din Trojan, sorry sa nasabi ko kanina at sorry dahil pinag-hinalaan kita," masyado kasi akong oa, potainis.
-
"Oh my goodness! Malapit kana manganak!" tili ni Audreg. Nasa bulok na mansion kami ngayong magkakaibigan. Dito kami nagcelebrate ng baby shower. About sa away namin ni Trojan ay hindi na ulit namin ni-open iyon at hindi na muna ipinakita sa akin ni Trojan ang ipinagawa niyang bahay dahil gusto niya sa tamang panahon pa daw niya iyon ipapakita. Susmiyo daming drama.
Kumpleto kami ngayon pero ang mga walanghiya ay wala man lang dinala na mga regalo. Mga asal askal talaga sila.
Kumpleto na kami ngayon dahil bumalik na si Eya pero malaki ang nagbago sakanya. Mukha na siyang sabog at adik dahil sobrang itim sa ilalim ng mata niya plus nag-eye liner pa siya ng black na sobrang kapal. Black lipstick at all black ang get-up niya. Naging tahimik narin siya at hindi masyadong umiimik. Lumapit sakanya si Lenz pero agad ding lumayo si Eya na ipinagtaka naming lahat. Nang matapos ang baby shower ay nagpaalam na siya at umalis na rin siya kaagad.
So anyways, heto nga't katatapos lang magcelebrate ng baby shower dahil malapit na akong manganak. Meron ngayon ang mga parents naming magkakabarkada at mga iba pang kamag-anak ni Trojan. Maski si Aaramon ay nakicelebrate din kahit na naka-upo lang siya sa wheel chair at kinakausap ang mga bisita. Pati na rin si Trojean ay nasa Baby Shower din at nag-sorry dahil sa nangyari noon. Ipinakilala ko na rin siya sa buong barkada. Hanggang sa maggagabi na ay naiwan ang buong barkada sa mansion na bulok habang si Aaramon naman ay ipinunta na sa kuwarto niya para makapag-pahinga. At ang mga askal ay magi-sleep over na naman dahil wala na atang makain sakanilang mga tahanan.
Kung kanina ay kumpleto na kami ulit, ngayon naman ay may nawawala na namang isa. Kaya naman ginisa ng buong tropa si Lenz at tinanong kung may problema ba sila ni Eya. Pero maski si Lenz ay wala ring kaalam-alam sa bagong ikinikilos ni Eya. Then napunta na sa akin ang panggigisa.
"Anong ipapangalan niyo sa first baby niyo?" tanong ni Athena habang karga karga niya ang three months old na si Martina Alesson, oo nanganak ulit ang gaga. Talagang kung sino pa ang huling nadivirginize sa amin at kung sino pa talaga ang pinaka-inosente sa amin, siya pa talaga ang nangunang manganak at nakadalawa na siya habang lahat sila ay wala pa. Gabi-gabi rin ata gumigiling si Athena.
"I'd prefer Aera Elizabeth. Parang token of gratitude lang sa mama ni Aera dahil papakasalan ko ang anak niya," pagsasalita ni Trojan pero agad akong umeksena at tumutol. Maganda nga ang sinabi ni Trojie baby pero ayoko iyon dahil may naisip na ako.
"Ay ang pangit! Ayoko nun! Ako ang magpapangalan sa anak namin," sagot ko. Ngumiti lang si Trojan at tumango sa sinabi ko. Understanding ang beybeh ko 'no atsaka supportive pa. Napag-usapan kasi namin kagabi na kapag babae ang anak, ako ang magbibigay nang pangalan pero kapag lalaki naman ay si Trojie baby ang magbibigay.
"Ano ba kasi ang gusto mo?" tanong naman ni Audrey na nilalaro ang panganay nina Athena na si Ashtone Martin Gaye and get it on.
Last na iyon. Promise.
"Secret, walang clue," ayoko munang sabihin dahil gusto ko ay hawak-hawak ko na siya kapag binanggit ko na ang pangalan ng panganay ko. Oo panganay, magbubuntis pa ako nang sampu pang anak namin ni Trojan.
"Wow, very authentic ang name ha, Secret Walang Clue Flores-Ferrer. Very exotic name ha, never heard!" pumalakpak pa si Audrey pero tinawanan lang siya nang lahat. Siraulo talagang Audrey, isang banat pa at ipapatapon ko na talaga siya sa mental hospital.
"Basta. Malalaman niyo rin iyon kapag lumabas na siya sa pepe ko," sagot ko na tinawanan naman ng lahat.
BINABASA MO ANG
Pleasure
Lãng mạnKwentong Tropa Series : Aera Isabelle Flores and Trojan Schmidt Ferrer