Chapter 15

5.7K 38 2
                                    

Aera Isabelle

Siguro sawa na si Trojie---Trojan sa mga babaeng hotshot at magaling gumiling. Marahil ay ayaw na niya sa akin dahil mas magaling pa akong makipagrakkk kaysa sakanya, kaya siya naghanap ngayon ng fresh alimuong, wala pang gaanong experience kaya bata pa ang kinuha. Para siya ang magmukhang bihasa sa pag-eeut.

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko sa loob ng taxi. Kahit na nag-aalala na ang driver sa akin at pinapatahan dahil sa sobrang lakas nang iyak ko ay hindi ko parin siya pinapansin. Ibinigay ko nalang sa driver ang bayad ko atsaka bumaba sa taxi habang humihikbi. Mabilis akong naglakad papalapit kay Trojan at sa kabit niya. Pero mas binilisan ko pa ang paglalakad nang makita kong hinalikan ng babae si Trojan sa pisngi. Nakakakulo ng dugo. Kung sinabi nalang sana sa akin ni Trojan na sawa na siya sa gumigiling kong katawan edi sana sinabi niya kaagad para hindi na ako nagpabuntis sakanya.

"Hoy!" labas ugat na pagsigaw ko nang medyo malapit na ako sakanila. Napatingin silang dalawa sa akin at nakita ko sa mukha ni Trojan ang takot at pagkagulat. Oo, matakot ka talaga sakin Trojan dahil babayagan kita.

Isang malakas na sampal ang binigay ko kay Trojan nang makalapit na ako sakanila. Feeling ko kulang pa ang sampal na binigay ko, feeling ko gusto kong lunurin si Trojan sa toilet bowl pati na rin itong tumitiling hampaslupa sa gilid.

"Pakyu ka ha! Manloloko!" napaiyak na naman ako lalo na nang marinig ko ang sinabi Trojan na That's not what you think. Alam ko na 'to, ito 'yung scene sa mga movie na malalaman ng bida na may number two sa relasyon nila ng boyfriend niya pero ang sasabihin lang ng lalaki ay 'That's not what you think,'

"Anong this is not what I think? Ito ba si Marcos? Ha? Last time I checked ay lalaki si Marcos at chinuchupa siya ni Athena, hindi isang high schooler at petite na babae." May diin sa bawat salita ang ibinato sakanya.

"Ate, tumigil ka na po," sinubukan akong awatin ng high schooler na kabit ni Trojan, pero dahil sadyang pabebe ako ay walang makakapigil sa akin sa pagsuntok kay Trojan. Matapos ang ilang suntok at pag-aawat ay napatigil nalang ako bigla nang may naramdaman akong kakaiba. Biglang kumirot ang tiyan ko at medyo nahilo. Sinubukang lumapit ni Trojan at ng high schooler sa akin pero agad kong itinaas ang kamay ko. Ayoko silang lumapit sa akin even if sobrang sakit na talaga ng tiyan ko ay hinding-hindi ako magpapatulong sakanila. Biglang nagpanic ang babae nang may nakita siya sa legs ko, maski ako at si Trojan ay nagulat nang tumingin kami sa legs ko. Dugo. Puro dugo.

Bigla akong napatili sa sobrang takot. Pagkatapos noon ay bigla nalang dumilim ang paligid.

Nagising ako na nasa isang kuwarto na puro puti ang mga gamit. Doon ko na-realize na nasa ospital na ako. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kanina. Naalala kong dinugo pala ako kanina kaya naman napahawak ako kaagad sa tiyan ko. Naramdaman kong medyo malaki parin ang tiyan ko kay napahinga ako nang maluwag. Hindi nalaglag ang anak ko. Salamat naman.

"Ate gising ka na pala," napatingin ako sa babaeng nasa gilid ko. Siya 'yung babaeng high schooler na maputi at petite. Biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" galit kong saad.

"Kung pumunta ka lang dito para sabihin sa akin na sa'yo nalang si Trojan, hindi kita pipigilan. Sayong-sayo na siya at isaksak mo pa sa makipot mong pechay." dagdag ko pero ang isinagot niya lang ay 'Huh?'. Nagmamaang-maangan pa! Hahampasin ko 'to nang dos por dos makikita niya.

"No, nagkakamali po kayo. Ate kapatid po ako ni Kuya Trojan," sa pagsabi niya noon napaisip ako bigla.

"Kung kapatid ka nga niya, bakit mo siya hinalikan? At bakit ngayon lang kita nakita?" tanong ko. Hindi parin mawala sa isip ko ang doubt kay Trojan. Tsaka kung kapatid nga siya ni Trojan, eh 'di sana matagal ko na siyang kilala o di kaya'y nakita ko na ito.

"Opo I kissed him pero sa cheeks lang naman po iyon. I always kiss my family and that's pretty common in States. Tsaka ang pangalan ko po ay Trojean, kaya po siguro hindi niyo ako kilala kasi nasa puder po ako ni Mama at doon sa States po ako lumaki," sa sinabi niya ay doon na ako nakaramdam ng hiya. Susmiyo ang bilis kong mag-jump into conclusions. Nakakahiya.

Biglang bumukas ang pinto sa hospital room at iniluwa noon si Trojan na mugto ang mga mata. What the? Umiyak ba siya?

"Honey," dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at sinubukan akong yakapin pero agad akong nagtalukbong ng kumot. Naalala ko kasi ang kausap niya sa phone kagabi.

Narinig ko namang pinalabas ni Trojan si Trojean. At ilang sandali pa ay narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Nang masiguro kong dalawa nalang talaga kami ay nagsalita na ako.

"Sino 'yung kausap mo kagabi? Nag-i love you ka pa talaga sakanya. Ang kapal nang mukha mo!" marahas kong ibinaba ang kumot at tiningnan si Trojan ng masama. Iyong tipong nababawasan na ang araw niya rito sa mundo iyong way ng pagtitig ko.

"Gising ka kagabi?" rumehistro sa mukha niya ang pagkagulat. Napataas ang kanan kong kilay.

"Oo at narinig ko ang malalandi mong tawa at ang pag-a-i love you mo sa kausap mo," untag ko sakanya.

"Si Trojean ang kausap ko kagabi," sige magpalusot ka pa Trojan Schmidt Ferrer. Hihiwalayan kita talaga kita.

Hindi na ako umimik pa ulit. Tumalikod ako sa direksyon niya at ipinikit ang mga mata ko.

"Look Aera, wala akong ibang babae na sinasabihan nang i love you kundi ang pamilya ko lang at ikaw. Please maniwala ka sa akin, hindi kita kayang lokohin dahil sobra sobra na ang pagmamahal ko sa'yo," pinilit kong hindi ipasok sa utak ko ang mga sinasabi ni Trojan. Yada yada yada, wala akong naririnig at hindi ako magsasalita. Nye nye.

Pero sadyang taksil ang bibig ko dahil kusang may lumabas na tanong mula sa bibig ko.

"Kung hindi mo ako niloloko, bakit gabing-gabi ka na umuuwi at amoy babae ka? Ang kapal mo dahil kaamoy ko pa talaga ang ginawa mong kabit," tuluy-tuloy kong pagsasalita. Hindi siya umimik at narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura ng paulit-ulit.

"I wont tell you kung bakit amoy babae ako at kung bakit ako umuuwi ng late," pagmamatigas niya. At dahil mas matigas ang bungo ko kaysa sakanya ay sumagot narin ako.

"Fine." sabi ko. At bago pa sumagot si Trojan ay dinugtungan ko na ang sinabi ko.

"Mas maganda siguro kung maghiwalay nalang tayo,"

PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon