Aera Isabelle
"Go bakla! Kahit kita ang kuyukut rampa lang ng rampa!"
"Dyusko! Bestie namin iyan!"
"Ah omegash! Ang friti friti ni bakladesh!"
Sigaw kami ng sigaw nila Audrey at Athena nang si Josh slash bakladesh na ang rumarampa sa catwalk. Especially si Eya na todo sigaw at may pa wagayway pa ng banner na may mukha ni Josh. Ang mga boys naman ay tahimik lang sa isang tabi na parang ikinakahiya kaming mga girls sa pinagga-gagawa namin.
"Ibalik niyo si Josh!" parang tangang sigaw ni Audrey nang nasa backstage na si Josh. Agad namang rumesponde si Gione at pinigilan ang kagagahang ginawa niya.
"Babe, sa kwarto ko nalang ikaw maghasik ng ka-wild'an, wag dito." natawa kami dahil sa sinabi ni Gione habang si Audrey naman ay pulang-pula na at biglang tumahimik.
"Hoy mga bakla!" sigaw ni Josh habang papalapit siya sa amin. Katatapos lang ng fashion show at nakaka-proud talaga siya dahil ang mga styles na gawa niya ang ifi-feature sa magazine na ire-release sa University next month.
"Ang pretty mo kanina beks," ngiting ngiti si Athena habang pinupuri si Josh. Pero agad namang umepal si Eya at sinabing, "Kanina lang siya pretty!" kaya naman nagsitawanan kaming lahat.
"Teka next week na iyong graduation. Anong plano?"
-
"Celebration at my house later. I'll be expecting all of you and wear formal clothes, okay?" we all nod as we parted our ways. Narinig ko pang sumigaw si Josh ng 'Happy Graduation!'. Susmiyo ang adik lang.
Nang makasakay na ako sa sarili kong kotse ay agad kong hinubad ang toga at nagdrive na pauwi. Masaya dahil atlast, graduate na kami at wala ng thesis na pinoproblema. At malungkot dahil wala si Aaramon ngayong napaka-espesyal na araw para sa akin. But it's okay, I understand him naman tsaka wala rin naman siyang gagawing matino dito sa Uni kundi ang mag-pokerface at kumunot ang noo.
Agad akong nag-shower at nagbihis para makapunta na sa bahay nina Trojan para sa celebration. Nagyakapan kaming magkakaibigan nang nasa may receiving room na kami. Dyusko mga plastic din 'tong mga to porke nandito lang sila Tita Marina at Tito Trevor.
Napahanga rin ako dahil sa biglang pagbabago ng mansion nila Trojan. Kaninang umaga lang ay normal pa ang itsura pero ngayon ay may mga malalaking butterflies sa walls nila at kung anu-ano pang designs. The theme, food, ambiance and everything! Napaka-perfect. Sometimes naiingit ako kay Trojan dahil laging may oras sila Tita at Tito sakanila ni Marcos, which is ang pagkukulang sa akin ni Aaramon."Honey!" nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko at inikot ako paharap sakanya. Mas na-shock ako ng halikan ako ni Trojan sa labi habang nasa gilid lang namin sila Tito Trevor. Bigla akong na-concious dahil naka-tingin sa amin lahat ng nasa mansion nila Trojan. Mga feeler naman to! Pers taym makakita ng naghahalikan?
"I missed you," sumiksik pa ito sa leeg ko na parang ready siyang halayin ako rito sa gitna ng mansion nila. Napatingin ako kila Tito Trevor na may kakaibang ngiti sa mukha nila na para bang sinasabi na 'Give us some apo's mga dear! Suportado namin kayo,'
Then sa mga kaibigan namin na nag-thumbs up pa. Mga hunghang talaga itong mga 'to. Porke graduate na kami eh magrarakrakan na agad?
Hinila ko si Trojan at inilayo muna sa lahat dahil gusto ko siyang kausapin dahil may gusto akong ibalita sakanya. Hindi ko namalayan na nasa laundry room na pala kami. Agad kong isinara ang pintuan at ni-lock para walang istorbo. Okay Aera Isabelle Flores, kaya mo yan! Breathe in, breathe out. Kalma at baka magka-wrinkles ka ng wala sa oras.
"Ano.."
"Aera.."
Nagkatinginan kami nang sabay kaming magsalita.
"Ah sige ikaw na muna," siya na ang pinauna ko dahil baka importante ang sasabihin niya.
"Nope. Ikaw na," Wushet tatadyakan ko na 'tong si Trojan kahit mahal ko pa siya. Ewan ko ba kung bakit pero bigla nalang napalitan ang mood ko at nagwalk-out. Susmiyo ito na ba 'yung side effects? Cheret.
Agad din niya akong hinila at niyakap. I can feel his heartbeat. Ba't ang lakas? Ninenerbyos ba ito?
Naglabas ito ng maliit na box mula sa bulsa niya at binuksan ito. Shet proposal na ba dizz? Napatakip ako ng bibig hindi dahil sa kilig kundi sa inis. 'Dyusme ang cheap ng jowa ko at sa laundry room pa talaga magpo-propose,' bulong ko sa isip ko. Hindi pa nagsasalita si Trojan nang pangunahan ko na siya."Dyusko naman, it's a no," napa-luwag ang yakap niya sa akin at tiningnan ako ng mata sa mata.
"B..bakit?" tanong nito.
"Trojie baby naman! Ang super yaman mong tao tapos sa laundry room ka lang magpo-propose? Ay ang cheap ha," hindi naman sa nag-iinarte pero duh. Kahit saan na siya magpropose sakin basta wag lang sa cheap place 'no. Para kasing ipinapamukha sa akin na cheapangga ako.
"Oh, right. Sorry honey." then silence. Susmiyo parang dinaramdam ni Trojie beybi forevs ang panrereject ko sakanya.
"Ano nga palang sasabihin mo?" tanong niya habang hindi siya nakatingin sa akin. Kumuha na muna ako ng tyempo bago magsalita pero nang ibubuka ko na ang bibig ko ay nagsalita si Trojan.
"It's a no," agad akong lumapit sakanya at binatukan siya. Dyusko anong feels nito? Magpo-propose din ako?
"Gagi hindi ako magpo-propose!" kunyaring naiinis kong saad. He just gave me an apologenic smile na dahilan para matunaw ang panty kong suot. Susmiyo ang sensitive ko ata ngayon.
"Ano.. I'm three months pregnant,"
BINABASA MO ANG
Pleasure
Roman d'amourKwentong Tropa Series : Aera Isabelle Flores and Trojan Schmidt Ferrer