Chapter 17

7.8K 42 6
                                    

Aera Isabelle

Ang baboy baboy na siguro ng itsura ko dahil sa kumakain ako ngayon ng strawberry cake na idinidip ko sa ketchup. Ito talaga ang pinaglilihian kong pagkain at inaamin kong nakakadiri ngang tingnan dahil naghahalo ang strawberry, icing, at ang ketchup in a very kadiri way pero all in all nasasarapan ako.

Enjoy na enjoy akong kumakain habang masayang pinapanood ako ni Trojan. In-offer'an ko pa siya nang kinakain ko kaya naman kumuha ako nang maliit na part nang cake at isinawsaw sa ketchup. At first ay ngumiwi si Trojan dahil sa itsura pero nang sinabi kong masarap ay sinubo niya parin ito. Wala pang isang minuto ay tumakbo siya papunta sa lababo at dumuwal.

"Ano iyan? Buntis ka na rin? Ang bilis naman, kagabi lang tayo nagrakrakan." puna ko habang patuloy parin sa paglalafang. Tumawa konti si Trojan habang naghihilamos na then bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina.

Narinig ko pa siyang bumulong ng "Nakakadiri naman itong babaeng ito." pero hindi ko nalang pinansin dahil kailangan kong umiwas sa stress. Kaya habang kumakain ako ay nakangiti ako para hindi daw maging busangot mukha ng anak ko kapag lumabas.

"Ano, gusto mo pa?" pag-aalok ko pero mabilis siyang umiling. Ilang minuto pa ang lumipas ay sunud-sunod ng bumaba ang mga askal. Nang i-check ko ang oras ay alas dose na pala nang tanghali. Mga 'to. Nagromansahan pa ata dito sa mansion.

"Eww! What are you eating?" maarteng saad ni Audrey habang naglalakad papalapit sa akin. Maski ang iba ay lumapit narin para tingnan ang pagkain ko.

"Kaning baboy," kaswal kong sagot.

"Diba sa pig lang iyon?" inosenteng tanong ni Gione na tinawanan lang namin.

"Ay shunga,"

"Umupo na kayo rito sa hapag-kainan at kakain na tayo ng lunch mga señorito't señorita," pagsasalita ko habang ngumunguya. Sila naman ay napatingin sa table at namangha dahil sa mga nakahain. Nahiya kasi ako dahil wala na ata silang makain sa bahay nila kaya bubusugin ko sila dito. Nagsi-upo naman silang lahat at nagsimula ng kumuha ng kani-kanilang pagkain.

Nang mabusog ako ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Maglalakad na sana ako palayo nang may maramdaman ako sa thighs ko.

Wiwi?

"Eww! Ate Aera just peed on her pajamas," mas umarte ang pagsasalita ni Audrey at nilakasan pa kaya naman napatingin silang lahat sa akin. Napatayo si Athena at bakas sa mukha niya ang nerbyos.

"Trojan, 'yung panubigan ni Ate Aera!" parang may nakitang hot fafa si Athena dahil sa pagtili niya. Si Trojan naman ay lumapit sa akin atsaka chineck ako.

"Honey buntis ka lang at wala pang Alzheimer's disease diba? Bakit ka umihi rito sa dining room?" parang wala akong narinig sa sinabi ni Trojan dahil nagcoconcentrate ako sa nararamdaman kong kakaiba.

"Shit! Marcos, tumakbo ka sa sasakyan dali! Start mo na 'yung kotse!" ninenerbyos paring saad ni Athena atsaka tumakbo kaagad palabas si Marcos. Ang mga kasama naman namin ay walang kaide-ideya sa nangyayari.

"Water broke, water broke, water broke," paulit-ulit kong salita habang tinititigan ang basa sa flooring. Pilit kong pinagsi-sink in sa utak ko ang salitang water broke na bigla kong naalala.

"Kapag may naramdaman kang kakaiba tapos parang naka-ihi ka, sabihin mo lang iyong water broke. Magegets din iyon ng mga kasama mo. Manganganak ka na ibigsabihin noon,"

"Nagpe-pray ka ba honey? Tara sa kuwarto palitan natin iyang suot mo," sinubukan akong hilain ni Trojan pero nakasteady lang ako sa kinatatayuan ko.

"Honey, hindi ito ihi," pagsasalita ko. Parang hindi nagsisink in sa utak ko ang nangyayari.

"Naman honey, anong tawag mo diyan? Raindrops? Halika na sabi," sinubukan parin akong hilain ni Trojan pero wala talaga hanggang sa napasigaw ako.

"Water broke!" sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko ay agad na pumunta lahat ng katulong sa amin at ninenerbyos narin. Wala paring kaide-ideya ang mga askal at si Athena ay halos patayin na si Trojan dahil sa kashungahan niya.

"Water broke?" nagtatakang tanong ni Trojan. Naramdaman kong parang may lalabas na isang ten wheeler truck sa loob ng tiyan ko kaya napasigaw na naman ako.

"Ang bobo mo Trojan! Manganganak na ako!"

-

Nagising ako nang may marinig akong mahinang iyak ng isang bata. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ang una kong nakita ay si Trojan na may hawak na isang maliit na bagay. Doon ko narealize na baby ang hawak niya. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko kaya.

Susmiyo chain saw ba ang ginamit nila sa pagpapa-anak sakin? Bakit ang sakit sakit ng pekpek ko?

Napansin kong nakasuot ako ng isang adult diaper at napangiwi nang may naisip ako. Ano 'to? May Alzheimer's disease na ba talaga ako para pasuotin nila ng diaper?

"Abububububu," napatingin ako sa taong parang tanga na nagbe-baby talk na si Trojan habang tuwang-tuwa siyang kinakarga ang anak namin. Ingat na ingat talaga siya sa paghawak at feeling ko ay sobrang pinahahalagahan ni Trojan ang anak namin. Such a heart warming sight.

"Trojan," parang nawalan ata ako ng boses at parang ang sakit ng lalamunan ko. Then naalala kong sigaw pala ako nang sigaw habang nanganganak ako kanina.

"Ay putangina! Susmiyo lumabas ka na! U-uh u-uh!" sobrang push na ang ginagawa ko para lumabas na ang walanghiya kong anak para masampal-sampal ko na dahil pinapahirapan pa ako.

"Fuck, nabali na kamay ko!" reklamo ni Trojan dahil sobrang higpit ng kapit ko sa kamay niya pero hindi ko nalang pinansin. Instead ay mas nag-focus pa ako sa pag-ire at pagdurog sa kamay ni Trojan.

"Ampota! Hayaan niyo nalang na mag-debut sa tiyan ko itong anak ko! Kahit huwag niyo na siya ilabas! Susmiyo chainsaw massacre na diz!" wala akong tigil sa pagsigaw at pagreklamo. Kung ganito rin pala kasakit ang panganganak, last na anak na talaga 'to. Next time si Trojan naman ang bubuntisin.

"Pruuuut! Punyemas ah! Baby huwag kang magsasalita ng Pokemon talk paglabas mo utang na outside! Hmmp!"

Napatingin sa akin si Trojan at binigyan ako ng isang malaking ngiti atsaka dahan-dahang lumapit saakin at ibinaba ang anak namin. Napakaperfect tingnan ng anak ko, manang-mana kay Pedring; ang totoo niyang ama. HAHAHA joke.

May pumasok na nurse sa kuwarto at pati narin ang OBgyne ko na si Doktora Reyes ay pumasok rin.

"Congratulations Miss Flores and Mister Ferrer," bati niya sa amin atsaka lumapit sakin.

"Ma'am ano po palang ipapangalan niyo kay Baby Flores?" tanong ng nurse . Bago ako sumagot ay tiningnan ko muna ang anak ko atsaka sinabi ang pangalan niya.

"Tyreign Smyth Flores-Ferrer,"

Thank you sa wonderful covers ate callmemerf. Super sexy sa eyes HAHAHA

Anyway, I might not be able to update soon kasi aasikasuhin ko pa 'yung iba kong stories. Hopefully di ako tatamaan ng katamaran para maka-update ako rito kaagad. I hope you enjoyed the update hihi.

PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon