(Check my newly published story, My Husband's Brothers. Heavier sex and foreplay scene pero less chapters than Pleasure since super bago pa lang siya.)
Aera Isabelle
"Ano.. I'm three months pregnant," kung nakakabobo lang ang pag-nganga ng sobrang tagal ay baka wala ng utak ngayon si Trojan. Susmiyo mas O.A. pa magreact itong lalaking ito kaysa sa akin.
"Congratulations Miss Flores, you're twelve weeks pregnant," pagsasalita ni Doktora Reyes atsaka inabot sa akin ang mga ultrasound photos. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kinukuha ang mga pictures.
"Doc, ito po ba talaga ang laman ng tiyan ko at hindi ako naka-kain ng panis na sperm kaya ako nagsusuka?" natawa naman si Doc dahil sa tanong ko. Susmiyo nagtatanong ako ng maayos tapos tatawanan lang ako? Tatapyasin ko ang boobs nito makikita niya.
"Congratulations ulit Miss Flores, I'm pretty sure that Mister Aaramon Flores would be surprised about this good news," aba alangan namang matutulala lang? Ang inaakala ni Aaramon na matinong only daughter niya eh mabubuntis nalang bigla.
"D..daddy na ako?" aniya ni Trojan habang nakatitig sa flat kong tiyan. Dyusko paulit-ulit lang? Baka gusto pa niyang ibalandra ko sa buong mundo na buntis na ako? Ipa-billboard ko pa SLEX para maganda.
"Ah oo. Pero iba ang ama," bigla namang napatingin sa akin si Trojan at kumunot ang noo nito. Dyusmiyo de el filibusterismo! Gaano ba kashunga itong loves ko?
"Iba ang ama?! Sino?! Sabihin mo sa akin!" at niyugyog pa niya ako na para bang masasagot ko ang mga tanong niya kapag hinilo niya ako.
"Putakte nasusuka ako! Walang hiya kang Trojan ka! Syempre ikaw ang ama, sino pa ba sa tingin mo?" tumigil ito sa pagyugyog sa akin at tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Seryoso? Ako ang ama?" Tungunu pasalamat talaga siya dahil yummy siya at mahal ko siya kundi iiwan ko siya dito dahil sa katangahan niya.
"Oo nga. Sino sa tingin mo ang ama? 'Yung hardinero naming si Pedring?"
-
Gusto kong kurutin ang nipples ni Trojan dahil sa kanyang ka-OA'han. Pagkasabi ko kasi na siya talaga ang ama ng dinadala ko ay agad niya akong ikinaladkad papalabas ng laundry room at ibinalita sa lahat na buntis ako. Imbes na sa mga magna, suma at cum laude ang atensyon ay napunta sa akin at ako ang hina-hot seat at iniinterview ng mga bisita at ako rin ang kino-congratulate. Dyusme! Tinalo ko pa ang mga cum laude sa ka-peymus'an ko!
Kasama kong umuwi si Trojan dahil sa gusto na daw niyang ibalita kay Aaramon na buntis na ako. May dala pa siyang backpack na may lamang pang-one week niyang isusuot. Gusto niya daw kasi akong bantayan lalo na't first child namin ang dinadala ko.
"Dad! We're home!" unang hakbang pa lang namin papasok sa mansion ay nag-iingay na si Trojan. Simula kasi ng maging legal kami at sinabi ni Aaramon na hindi naman talaga siya masungit at bet na bet niya si Troj para saakin, sobrang kapal na ng mukha ni Honey sa harap ni Aaramon na akala mo eh hindi siya takot kay Dad noon.
"Manahimik ka nga! Nakakahiya ka na kahit yummy ka pa," pagsita ko sakanya. Kanina pa ako kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong irereact ng magaling kong ama kapag nalaman niyang nadiligan na ang anak niya at nagkabunga pa.
Imagination..
"Dad! We have a good news!" nakipagbeso-beso ako kay Aaramon habang si Trojan naman ay nakipag-shakehands lang.
"What is it?" nagsi-upo na kami sa may sala at napakapit ako kay Trojan na nagpapahiwatig na siya na ang magsabi ng balita.
"Buntis po si Aera," ngiting-ngiting saad ni Trojan pero agad din nawala ang ngiti sa kanyang labi ng biglang inihagis ni Aaramon ang vase na nasa center table na ikinagulat namin.
"Kakagraduate niyo pa lang tapos buntis na agad si Aera?! Lumayas kayo rito sa pamamahay ko!" galit niyang pagsasalita at tumayo siya atsaka tinadyagan ang center table na gawa sa glass kaya naman nabasag ito ng tuluyan.
Susmiyo! Ayokong mag-beast mode ng wala sa oras si Aaramon. Baka biglang malaglag ang anak ko!
"Ah ma'am. Paki-hintay nalang daw po ninyo si Sir Aaramon sa mini office dahil male-late lang po siya saglit. Tsaka may importante daw po siyang sasabihin sa inyo," tinanguan ko nalang ang katulong namin na lumapit sa amin ni Trojan. Magalang rin siyang nagpaalam at umalis na.
"Honey, hintayin daw natin si Dad sa office niya rito sa mansion. Shit, I still can't believe that I am a father already!" hinila pa niya ako papunta sa office ni Aaramon na mas lalo pang nagpakaba sa akin. Susmiyo sana walang sampalan, bugbugan, at riot na magaganap mamaya.
Nang nasa mini office na kami, si Trojan ay palakad-lakad na parang tanga at patingin-tingin sa pintuan habang ako naman ay naka-tulala lang sa swivel chair ni Aaramon dahil sa nerbyos. Susmiyo limang buan kaming hindi nagkikita ni Aaramon tapos ngayon na makikita niya ulit ang mala-diyosang mukha ng anak niya ay malalaman nalang niyang buntis na ito! Dyusmiyo de la solidaridaridaridaridad!
Kahit na mukha na akong estatwa dito ay hindi parin ako pinapansin ni Trojan dahil sa sobrang excited itong balitaan si Aaramon.
"Hoy Trojan! Maupo ka mga rito sa tabi ko," utos ko sakanya. Hindi naman niya ako pinansin at tuloy parin sa kanyang ginagawa at para bang walang nagsalita. Susmiyo! Snobber pala ang Trojie baby ko kapag sobrang saya.
Babatuhin ko palang sana siya ng hawak kong files ni Aaramon ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa niya ang payat at matamlay na si Aaramon. Ngunit ang ikinagulat ko ay bigla nalang itong bumagsak sa sahig dahilan para mapatayo ako at napatakbo papalapit sakanya. Maski si Trojan ay tumakbo rin papalapit sakanya. Ano bang nangyayari kay Dad?!
"Shit! Trojan, carry him!" utos ko na agad niyang sinunod. Agad kaming sumakay sa kotse na pagmamay-ari ni Trojan at pumunta sa pinaka-malapit na ospital. Wala na kaming pakialam kung private ba ito o public hospital lang dahil natatakot na ako sa itsura ni Aaramon. Iyong nobleman aura niya ay naging payat at maputlang Aaramon. Hindi ko siya nakilala noong una dahil sa kanyang itsura na para bang isang taon siyang hindi pinakain.
I started to cry when I realized everything. His goofy smile na nagpapakita ng kanyang kabaliwan sa buhay, it's gone. Naramdaman ko nalang na nakayakap na sa akin si Trojan at pinapatahan ako sa pag-iyak. Perfect na sana itong araw na ito. Bakit ba kasi ito nangyayari?
Konting sandali pa'y may lumabas ng doktor at lumapit sa amin. "Ikaw ba ang anak ni Sir Aaramon Flores?" tumango ako nang hindi na ako makapag-salita dahil sa kakaiyak.
"Ano pong sakit niya Doc?" pagtatanong ni Trojan. Tiningnan naman kami ng seryoso ng doktor bago magsalita.
"I'm sorry to say this but, Mister Flores is in a critical situation. We transferred him to a private room for the observation." my world crashed as the Doctor say every word.
No, no. This is just a dream. A nightmare.
BINABASA MO ANG
Pleasure
RomanceKwentong Tropa Series : Aera Isabelle Flores and Trojan Schmidt Ferrer