TADHANA 5 - FAMILIAR PHRASE

115 5 1
                                    

VIVOREE'S POV

Thursday ngayon and nandito ako sa likod ng bahay ni Tita Claire at kasama ko si Marianne. Mag-gagabi na at hindi pa kasi siya umuuwi sa bahay nila simula pa nung Martes. Naaawa ako sa pinsan kong 'to. Hindi ko rin inakala na magagawa ni Tito iyon. Nung pumunta kasi kami sa isang resto na malapit sa kompanya na pinagtatrabauhan namin para kumain sana, nakita ni Marianne na may kasama itong ibang babae at sweet na sweet ang mga ito sa isa't isa. Sa kilos ng mga ito, malayong magkaibigan lang sila dahil nakaakbay pa si Tito sa babae. Grabe, hindi ko inakalang magagawa ni Tito iyon. Nalulungkot ako para kay Marianne pati narin kay Tita Anne. Sana hindi rin magawa ni papa yung ginawa ni Tito. Pero alam kong hinding-hindi magagawa ni papa yun kay mama. Mahal nila ang isa't isa. Ba't ko naman pagdududahan si papa diba?

"Bakit nagawa ni papa samin yun?" sabi nito sa garalgal na boses. Kanina pa siya umiiyak at ngayon ay mukhang nahimasmasan naman na siya.

"Hindi pa naman tayo sigurado Marianne." sagot ko naman.

"Pero kitang kita ko kung paano niya akbayan yung pesteng babaeng yun. Hindi niya ba alam na may pamilya na si papa? At hindi manlang ba naisip ni papa kung ano ang mararamdaman namin ni mama?" sabi niya at humagulgol na siya ng iyak. Hinaplos ko naman ang kanyang likuran at saka ko siya niyakap. Alam kong ako lang ang malalapitan niya ngayon dahil hindi pa alam ng Mama niya ang nangyari pati narin si Tita Claire ay wala ding alam dito.

"Hindi ako makahanap ng tamang salita na sasabihin sayo insan. Hindi ko rin alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman mo. Pero ang masasabi ko lang, nandito lang ako para damayan ka sa problema mo. Andito lang ako. Hindi kita iiwan." sabi ko ng nakangiti kaya ngumiti naman siya kahit na deep inside alam kong nasasaktan siya ng sobra.

"Salamat insan pero kailangan ko munang mapag-isa."

"Dito lang ako. Sasamahan kita." sabi ko sa kanya at pinipilit kong ngumiti.

"Please kailangan ko munang mapag-isa." tugon naman niya.

"Sige kung yan ang gusto mo. Pero kapag kailangan mo ng karamay, lapitan mo lang ako." sabi ko sa kanya at tumango lang siya. Napansin ko na hawak-hawak niya ang cellphone niya. Kukunin ko sana kasi baka ibuhos niya ang galit niya doon. Pero hindi ko nalang pinansin iyon.

UNEXPECTED DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon