VIVOREE'S POV
Lumabas ako ng ER at nakita ko na nakaupo sa labas si Charles.
"C-Charles. Bat andito ka pa?" takang tanong ko sa kanya.
"Hinihintay ka." sagot naman niya. Ako? H-hinihintay niya?
"B-Bakit naman?" tanong ko pa.
"Ako yung naghatid sa inyo diba? Kaya naisip ko na wala kang masasakyan pauwi." sagot naman niya.
"Ahh, m-madami namang taxi sa labas."
"Oo nga pero ako yung naghatid sayo papunta dito kaya ako rin dapat yung maghatid sayo pauwi." sabi pa niya. Hindi naman ako nakasagot.
"Tara na. Baka inaantay ka na ng kapatid mo." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Pano mo nalaman na may kapatid ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Narinig ko kasi yung usapan niyo ni Tita. Sorry."
"May pagkachismoso ka rin pala eh noh." sabi ko at napatawa naman siya.
"Medyo?" pabirong sabi niya. Napangiti naman ako.
"Tara na nga." sabi ko naman at tumango lang siya.
••••••••
Pagkarating namin sa bahay, agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Sinabi ko sa kanya kung saan ang bahay namin. Ihahatid daw ako eh hindi naman pala niya alam bahay namin. Nakita ko naman na papalapit sa amin si Angel at binuksan niya ang gate.
"O, bat gising ka pa? May pasok ka pa bukas ah." tanong ko sa kanya.
"Hinihintay kasi kita ate eh." sagot naman niya.
"Sige na pumasok ka na sa loob. Susunod ako."
"Opo ate. S-Sino po siya ate?" tanong niya sakin habang nakatingin kay Charles.
"Ah. Siya si kuya Charles." tinignan naman niya ito mula ulo hanggang paa. Naku, anong ginagawa niya. Nakakahiya kay Charles.
"Sige na pasok na sa loob." sabi ko naman kaya napatingin ulit siya sa akin. Tinignan niya ako ng masama at saka umalis. Anong nangyari dun?
"Pasensya ka na ah. Baka may problema lang yun kaya ganun." paliwanag ko kay Charles. Napatawa naman siya.
"It's okay. She's cute nga eh." tugon naman niya. Napangiti naman ako.
"Salamat nga pala sa paghatid sakin. Baka naabala na kita." sabi ko sa kanya.
"No, it's okay. No problem."
"Sige. Salamat ulit." sabi ko at ngumiti lang siya.
"Sige. Bye." paalam niya sakin.
"Bye... I-Ingat." tugon ko naman.
Sumakay na siya sa kotse niya at sumilip pa siya mula sa bintana at nagwave sakin. Nagwave back naman ako (parang messenger lang eh. Haha) atsaka ako pumasok sa loob ng bahay nung nakalayo na siya. Pagkapasok ko sa loob, nagulat ako dahil nakita kong nakaupo si Angel sa sofa at naka-crossed arms at seryosong nakatingin sa akin.
"Akala ko ba matutulog ka na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ako inaantok. Sino yung lalaking yun ate ha?" tanong niya sakin kaya nanlaki ang mata ko.
"K-Kaibigan ko nga." sagot ko naman.
"Sus, kaibigan." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ikaw, kung ano-ano na naman ang iniisip mo diyan. Naku naku talaga." sabi ko at napa-tsk tsk pa ako.
"Kailangan makilala ko siya ah." sabi pa niya.
"Ma, ikaw ba yan?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Oo, ako nga bakit?" sagot naman niya habang nakataas ang dalawang kilay niya.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Tara na nga matulog na tayo. Isasama kita bukas. Dadalawin natin si ate Marianne mo pagkatapos ng klase mo." napangiti naman siya sa sinabi ko.
"T-Talaga ate!?" tumango naman ako. "Yeyy! Makikita ko na ulit si Ate Marianne!" masayang sabi niya.
"Tara na tulog na tayo." yaya ko sa kanya.
"Hindi pa ako inaantok ate eh." sabi niya sabay nguso. Teka may naisip ako.
"Andito na si Niñasaur! Rawrrr!" sabi ko at napatili naman siya at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto. Haha. Sabi ko na eh.
〰〰〰〰〰〰〰〰
Please vote 🌟
![](https://img.wattpad.com/cover/171200401-288-k221715.jpg)
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED DESTINY
FanficPosible kayang magkatagpo muli ang dalawang tao na nagkita na sa past? Pero paano nila malalaman kung bata pa sila noong una silang magkita? At paano kapag tutol ang mga parents nila dahil may past din ang mga ito? Tuluyan bang mauudlot ang kanilang...