chapter 1: late, tae ;)

3 0 0
                                    

Kath's pov

nandito ako ngayon sa isang store dito sa may talisay sa batangas na hindi ako aware na nageexist pala to. sinusundan ko nanaman kasi itong si luis ko(yie eneve😆), na sa isang taong pags-stalk ko sa kanya 'di ko parin alam kung sa'n siya nakatira, miske isang detalye tungkol sa kanya wala akong alam huhu:(

hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman sobrang nakakapanakit siya ng puso, love ba to o paghanga lang?hays, bata bata ko palang kerengkeng na ako(aminado hehe) pero hula ko infatuation lang. patay ako neto kay mama pagnalaman niya to.

"natatanga", may puntong sabi nung bata sa gilid ko na mukang 5-7 years old palang at mukang ako yung pinaparinggan kasi kami lang naman ang tao dito.

"Bata" tawag ko sa lalaki. "Oy, bata" medyo nilakasan ko at sinamahan ko na rin ng kulbit.

"Ako ba kausap mo?" walang galang niyang sabi.

"Opo" sabi ko na sinabayan ng tungo pati umismayl ako ng parang totoo at masaya, basta yung ganon😂

"Arte, 'di naman maganda" sabay irap niya pa. "Nagpapakasiguro lang miss, malay ko ba kung may iba ka pang kausap dyan, kanina ka pa tawa ng tawa, makaalis na nga, bye ansama mo" pahabol nya na ikinagalit ko pero nung nagtagal nagpalungkot sakin.

Ano nanaman bang ginawa ko? nagsmile lang naman ako ee, ano bang masama sa pagngiti at pagsabi ng opo? lagi nalang ako nasasabihan ng ganon na alam kong d ko naman deserve, hmp! :««

Lagi nalang namimisunderstood lahat ng galaw ko, nakakainis. Masama bang mag smile at magsabi ng opo? Grabe naman sana hindi ganon ang tingin sakin ni luis--- omy si luis...

Paglingon ko sa counter kung nasa'n kanina si luis, wala ng tao pati yung cashier.

---

PAGOD, natapos nanaman ang araw na to na pagod ako at puyat, 2 na ng madaling araw at malapit na ko saamin.

NALIGAW, naligaw nanaman ako. Lagi nya nalang akong nililigaw 'di ko alam kung alam niya na may sumusunod sa kanya at sinasadya niya o sadyang aanga anga lang ako para hindi mapansin na wala na pala siya💔

---
PG's POV

Nandito nanaman ako nakaabang sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita at sigurado akong hindi pa siya nakakauwi, kinakawawa niya sarili niya para lang kay luis, luis na mahal ng lahat.

Bigla akong naalarma ng makita ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Mabagal siyang naglalakad habang nakayakap ng mahigpit sa kanyang sarili, panay ang kuskos niya sa nga braso pati narin sa kanyang mga hita at binti na tila lamig na lamig.

Sobrang bagal at parang tamad na tamad siya kung maglakad, sobrang lungkot ang makikita mo sa kanyang mga mata hanggang sa sobrang pagkalutang niya 'di niya napansin na may aso palang nakahiga sa daan at naapakan niya ang buntot nito. Ang tahimik na lugar na ito ay biglang umingay na gawa ng mga tahol ng aso.

"Maaaaaaaa!" sigaw niya habang tumatakbo.

"haha" mahina kong tawa ng makita ang ekspresyon ng muka niya no'ng napalingon siya sa likod niya habang tumatakbo. Mukang napapataeng ewan, pango na nga mas pumango pa😂.

Nang matakasan niya ang mga asong humahabol sa kanya, saka lang siya napatingin sa paligid habang hingal na hingal hanggang sa mapansing hindi siya pamilyar sa lugar na to.

Oras ko na para sumingit dahil halatang takot na takot na siya at halatang pagod dahil nakahilata na siya sa may gutter.

Nagpalinga linga ako sa paligid habang nag iisip kung ano ang iaakto ko para 'di niya ako mahuli at mabuking na sinusundan ko siya. Kaylangan mukang totoo ang mga nangyari at magkakatugma, may nakaagaw ng atensyon ko at ang tanging solusyon na naiisip ko.

Treasure MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon