Kath's POV
Nagising ako ng mabigat ang pakiramdam at mugto ang mata, pero atlis hindi na masakit ang ulo ko.
Pagtingin ko sa cellphone ko, 3:00am palang at hindi ko feel pumasok kaya nag edit nalang ako ng tahimik.
Inedit ko ang huli kong vid tungkol kay luis, i think kaylangan ko na siyang kalimutan kasi masakit kahit isipin ko pa mang puppy love lang to pero atlis love at masakit talaga, ang malas ko na nga sa buhay at siya lang ang inspirasyon at dahilan ko para pumasok tapos ganito pa? Bakit?
Hindi ko alam kung baliw na ba talaga ako tulad nung sinabi nung bata sakin dati, tumatawa at umiiyak kasi ako ngayon pero walang tunog. Hindi ko alam kung bakit ganto kahirap ang buhay namin.
Gusto ko na magtrabaho ng maiahon ko pamilya ko sa hirap pero wala, pagy-youtube na nga lang, wala pang viewer.
Matapos kong magbaliw baliwan kanina ngayon parang naman akong robot, wala na talaga akong emosyon. Ang OA ko ba pero kasi sinasabi ko lang talaga kung ano ang nakikita at nararamdaman ko.
Mabigat padin ang dibdib ko pero wala na talaga akong emosyon, ako dati walang segundo na hindi nakangiti, nakatawa, nakatanga ganon pero hays.
Tapos na ako mag edit at inupload ko na din. Nagising na lahat ng tao sa bahay, hindi nila ako napansin o 'di nila napansin na may problema at may bago sakin kasi busy sila paggising, naligo at umalis na silang lahat, mag-isa nalang ako at 8 na ng umaga. Tinodo edit ko talaga ang videong yon kasi tinatamad na ko sa buhay ko. Siguro hindi na muna ako maggagadget o kahit ano ng mga isang linggo kasi pagod na ako ilang buwan o magtataon na akong walang maayos na tulog o wala talagang tulog dahil kay luis.
Umikot sa kanya masyado buhay ko hindi ko napansin na napapabayaan ko na pala masyado ang sarili ko, kaya din siguro walang nanliligaw sakin kasi nung tumingin ako sa salamin hindi ko nakilala sarili ko.
Sa pago-overthink ko maya maya nakatulog na din ako. Paggising ko 5 na at natulog uli ako kasi sobrang sakit ng ulo ko at mukang magkakasakit ako.
Naggising ako ng 9 ng gabi dahil nilalamig ako, nang tumayo ako sa kama tulog na silang lahat kaya dapat tahimik ako.
Habang naghahanap ako ng kumot nakaramdam ako ng gutom.
Paglabas ko sa kwarto dumiretso ako ng kusina at tinignan kung may tinira sila saking pagkain ngunit nabigo ako kasi wala, miske ang saingan ng kanin ay nakatambak sa malabundok na hugasin.
Hinugasan ko nalang lahat ng hugasin at hinanap ang wallet ko. Pagtingin ko sa wallet ko tres nalang ang laman, wala narin kaming bigas at gutom na gutom na talaga ako kaya kinain ko na ang pride na natitira sakin.
Tinext ko lahat ng kaklase ko nung elementary na online, at may isang nagreply yung iba sineen lang at nakakahiya talaga:( pero wala ee, papairalin mo pa ba yang hiya at pride mo kesa sa tyan at ulo mo na nahihilo na dahil sa gutom.
Nilakad ko papunta sa isang nagreply sakin na binubully at pinapahiya ko dati sa school ang pangit niya kasi tapos bait baitan at sipsip pero sa bandang huli siya parin pala ang tutulong at tutulong sakin.
Todo sorry at pasalamat ako sa kanya ng binigyan niya ako ng bigas, ubos na daw kasi ang kanin at ulam nila kaya ako nalang daw ang magluto nito samin. Ang ganda na niya at mukang mayaman na sila, ang puti niya at ang ganda nya as in parang artista tapos nung tinanong ko kung san siya pumapasok sa ateneo daw alam ko mahal at sikat yon ee, karma talaga.
Yung tres na natira sakin ay pinambili ko ng chicken joy na tsitsirya hinanap ko pa to, kasi wala na palang nagbebenta nito puro mang inasal na binebenta nila di hamak na mas masarap at malasa to don.
11:56 na. At nagsasaing na ako, nanuod narin ako ng mga movie sa tv na hindi ko alam na may cable na pala kami, sobra ko kasing pagbigay ng oras kay luis ee.
Kumain ako ng umiiyak bakit kaya, charot HA HA alam ko naman talaga kung bakit, pero ano ba kath? iyakin masyado.
Ambigat talaga ng pakiramdam ko at ang init ko, kaya tinulog ko nalang ulit pagkatapos kong iligpit kinainan ko.
---
Ilang linggo narin ang nakalipas(8 days to be exact), nagpagupit na pala ako ng buhok, ilang araw na kasi akong di tinitirahan ng shampoo nila mama, ee ubos na pera ko kaya eto dumukot ako sa wallet ni mama, gagamitin ko naman siya sa mabuti hindi sa mga bisyo para hindi nadin mahirap magsuklay.
Dahil gaya gaya ako ginaya ko yung buhok ni ate klio, yung kapatid ni kuya jayzam ganon kaso nagmuka naman akong tomboy tapos nakamio ganon, pa square kase shape ng muka ko ang mga bagay sakin ay yung natatakpan ang muka ko pero eto, wala na nagupit na ee hindi na pwedeng ibalik.
Humahaba nanaman siya ee, dapat nga papasok ako sa school pagkatapos ng isang linggo diba. Kaso yung buhok ko nahihiya ako, kaya hindi nalang ako pumasok ng ilang linggo, sana lang humaba kahit hanggang leeg o balikat.
Masyadong boring mga nangyari sakin nung mga nakaraang araw. Routine ko to nung tambay ako sa bahay, gising, kain, tulog, gising, kain, tulog.
Wala ng ligo ligo wala din namang shampoo at damit kaya nung nagpagupit ako naglaba narin ako kasi sinipag ako.
Pero hanggang ngayon naweweirduhan padin ako sa paligid, nung papunta ako ng pagupitan may ilan ilan na tingin na tingin sakin tapos biglang lalapit kaya ako eto, tumakbo hanggang pagupitan muntik pa nga ako masagasaan kakatakbo ng pito din yung humahabol sakin, babae karamihan. Weird lang, buti hindi lalaki kundi aakalain ko holdaper o rapist.
Pero nung nasa pagupitan ako yung mga mata ng mga tao don, parang awang awa sakin, yung tipong naheart broken ako tapos nawalan ng pamilya, bahay, walang makain ganon. Tapos libre na daw yung pagupit ko tapos binigyan pa ko wax, ang weird lang kaya yung 50 pinangbili ko ng sigarilyo----joke hahaha hindi naman, binalik ko sa pitaka ni mama, 150 na nga lang laman kinupit ko pa ang pipti kaya ayon sinauli ko:)
Papasok na pala ako bukas, buo na ang loob ko, gusto ko nga magmake over yung pangmalakasan kaso walang pera😂bibili sana ako ng uniform na sexy tapos palda kita na singit pero walang pera kaya tiis muna ako sa uniform ko, magm-make up na pala ako bukas, yung pangmalakasan talaga, pang artista ganon.
At bukas kathy na ang pangalan ko😌
---
A/N: wala dapat tong chapter na to, pero wala ee, kaylangan buo at parang totoong nangyayari so importante padin naman to kahit papaano
nagf-feeling writer meowsie°~°
BINABASA MO ANG
Treasure Moment
Teen FictionThis story is all about Katherine Maroopoq's life, her every day routine. Let's watch charot haha...(bumanat, try lang po) Let us read how she overcome her challenges in her life. She is not so perfect by looking by her physical features but if you'...