Irish's POVMuli akong napatingin sa relo ko ng hindi ko pa rin namataan ang taong halos isang oras ko na atang hinihintay dito sa gate ng school na pinag aaralan namin.
" 5 minutes more, Irish. Pag hindi pa sya dumating ay papasok ka na." napabuntong hininga ako matapos ibulong iyon sa sarili ko. It was our first day of school at gusto ko sanang magkasabay kami sa pagpasok pero as expected, he's late. He's always like that at pare pareho lang din naman ang dinadahilan nya. Na wala daw masakyan, na nalate daw syang nagising kasi napuyat sya at may iniutos sa kanya ang nanay niya kaya napatagal sya.
At hindi talaga katanggap tanggap ang mga rason nya dahil una, pano sya walang masasakyan eh, hindi naman sya nagcocommute? May sarili kasing sasakyan ang gago.
At pangalawa, hindi naman sya nagpupuyat dahil paniguradong sangkatutak na sermon ang aabutin nya sa nanay nya, maaga syang natutulog pero sadyang tulog mantika lang talaga sya. And lastly, hindi sya yung tipo na mauutusan bago pumasok sa eskwela, as if naman na hahayaan sya ni tita na magtrabaho, diba? Eh, ang dami kaya nilang katulong. Halos mabuhay prinsipe na nga sya ,eh. Tapos inutusan? LOL. Sinungaling, diba? Pero, huwag kayo kahit ganun iyon mahal ko iyon.Higit pa sa inaakala nya.
And alam nyo kung ano ang pinakagusto ko sa kanya? He always shows that he really cares. Yung alam mong hindi sya nagpapanggap lang, dahil alam mo at nakikita mong lahat ng ipinapakita nya ay totoo.
I sighed.
First day na first day, malalate na naman ata sya. Tumalikod na ako ng lumipas ang sampung minuto at hindi pa rin sya dumadating. Pinagbigyan ko na sya, ang sabi ko sa sarili ay limang minuto ko na lang syang hihintayin pero yung sinabi kong iyon ay nadoble pa. Basta talaga yung lalaking iyon ang pinaguusapan, hays.
Mahal ko, eh. Anong magagawa ko?
Maglakad na ako patungo sa assigned classroom ko ng walang kasama. We're classmates, gusto ko sanang ibalita yun sa kanya pero wala eh, hindi ko na sya nahintay. Masyadong syang matagal.
Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may umakbay sa akin. Napatingala ako at napangiti ng makita kung sino ito. Meet my bestfriend slash my best buddy in the whole world.