Irish's POV

Napanguso ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Namamaga ang dalawang mata at nangingitim ang ibabang bahagi. Ang panget panget ko, pakshet!

Hindi na nga ako nakapasok kahapon tas ganito pa ang itsura ko ngayon? Kakainis, punyeta!

Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin at lumabas na. Walang mangyayari kung tititigan ko ang sarili ko sa salamin maghapon.

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko ang tahimik na paligid. As usual, wala na naman si Papa baka nga naglasing na naman yun kagabi at kung saan saan na naman natulog, e. Ano pa bang bago dun? Eh, magmula ng mangyari ang bagay na yun, ay naging ganun na sya. Ang laki laki na ng pinagbago nya. Parang di na sya yung Papa'ng kinalakihan ko.

Napabuntong hininga ako.

Nagdiretsyo ako sa garahe para makapasok na sa eskwela at magpahatid sa driver.

"Oh, Ma'am? Ihahatid ko na po ba kayo?" agad na bati nya ng mamataan akong nakatingin sa kanya.

"Yes po." binuksan nya ang pintuan ng kotse kaya agad akong sumakay. Pinaandar nya ang sasakyan at nagsimula na kaming lumayo sa bahay namin.

"Uhm, Ma'am? Gusto nyo po bang magpatugtog ako? Masyado po kasing tahimik." I looked at him and smile.

"Mas okay na pong tahimik nalang." muli akong tumingin sa bintana pero muli akong bumaling sa kanya ng may maalala ako. "Umuwi po ba si Dad kagabi? I haven't seen him yet kasi, e." muli syang sumulyap sakin.

Love or friendship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon