Irish's POV

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Pinaghalong gulat at kaba ang makikitang reaksyon sa mukha ko. Hindi ito ang unang beses na niyakap nya ako pero ganito nalang palagi ang nagiging reaksyon ko.

Wala eh, hindi na talaga ako masanay-sanay.

"Uhmm. Storm? Hehe." awkward na bati ko ng makitang nakakakuha na kami ng atensyon mula sa mga estudyanteng kanina pa ata nanunuod sa amin.

Hindi naman kami couple pero feeling ko, ang PDA namin.

"Sshh. Its your punishment for making me worry that much. And don't mind them. Nobody cares, though." napahinga nalang ako ng malalim ng maramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin.

Ganito ba talaga sya magalala? Hays.

"Okay." niyakap ko nalang sya pabalik dahil sa totoo lang, kanina pa kating kati ang kamay kong yakapin sya pero hindi ko magawa dahil alam kong hindi na pwede.
Hindi na. But who i am to stop my freakin heart? Pero kahit ngayon lang, iisipin ko munang pwede dahil alam kong hindi na ito ulit mangyayari.

Nanatili kami sa ganong posisyon at hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa ganong posisyon pero agad kaming napahiwalay sa isat-isa ng may marinig kaming tumikhim. Agad ko syang naitulak at napayuko ng makita ang paraan ng pagtitig sakin ng girlfriend nya. She look at me with a hint of jealousy and disgust. Its Vanessa.

"Sana naman nilugar nyo yang kalandian nyo, noh? Your hugging each other in the middle of the hallway, seriously? Hindi  lang ba sumagi sa makitid nyong utak na madaming tao dito?" halata ang galit sa boses nya at parang mas lalo akong nanliit sa sarili ko dahil sa paraan ng pagtitig nya sa aming dalawa. Shit. Ano na naman bang kagagahan ang ginawa ko? Pati si storm nadadamay sa katangahan ko, e. Stupid, Irish!

Love or friendship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon