Irish's POV
Nanatili akong nakatayo habang nakatingin kay Storm na naglalakad patungo sa babaeng mahal nya.
Masakit.
Masakit pala.
Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Wala e, martyr ako. Ganun talaga, gustong gusto kong nasasaktan ang sarili ko kasi nga tanga ako, kasi mahal ko sya.
And loving someone makes us damn stupid!
At kung alam ko lang na ganito pala kasakit mag mahal, sana nung una palang pinigilan ko na ang sarili kong mahulog.
Nakakatanga.
Nakakagago.
Ang hirap. Napakahirap.
Agad akong umiwas ng tingin ng napatingin sa akin si Vanessa, ang girlfriend nya. Pero bago ko magawang iiwas ang tingin ko ay nakita ang paninitig sa akin ni Vanessa at tumakas ang isang ngisi sa mga labi nya.
Para saan ang ngising iyon?
Storm's POV
"Hey." agad na bati ko sa girlfriend ko ng makarating ako sa tabi nya. Tinaasan nya ako ng kilay at inirapan. Sungit talaga ng girlfriend ko.
"And why are you with her, again? Didn't i told you to avoid her?" napabuntong hininga ako bago ako naupo sa tabi nya.
"Vanessa." mahinang reklamo ko. "She's my bestfriend, Kaibigan ko sya. Kaibigan ko sya at hanggang dun lang iyon." napatingin sya sa likod ko at sumilay ang isang ngisi mula sa labi nya. Napakunot ang noo ko at sinundan ang direksyong tinitignan nya. Then i saw Irish, running towards the door.