Storm's POV

"Vanessa." I called her for god knows , how many times. Hindi nya ako pinapansin. Hindi sya nagrereply sa mga tawag at mga texts ko. Blinock nya ako sa messenger and even in facebook. Can you imagine that? Kung umasta sya parang hindi ako nageexist sa mundo nya. I've been trying to make everything clear to her for almost one week, pero pano ako makakapagpaliwanag kung ganyan ang ginagawa nya? I'm trying to put an effort here, can't she just appreciate it? God, this is insane.

I know I'm wrong, and i am fully aware of it. Pero pano ko ipapaliwanag o lilinawin yung side ko, kung ganyan sya kung umasta? Ganun ba kahirap pakinggan yung sasabihin ko? Ganun ba ako kahirap paniwalaan?

"Vanessa. Please, let me explain." i said calmly. I'm trying so hard to act calm here. Dahil hindi ko alam kung ano ang masasabi ko kung, sasabog ako dito.

"Explain what, Storm? Kung paano mo ako harap harapang ginago? Is that it?" is she insane? Fuck.

"Ginago? Tangina, Vanessa! Kailan pa kita ginago? Alin ba salitang 'Kaibigan ko lang sya' ang hirap na hirap kang intindihin? Ikaw kung yung kaibigan mo ay bigla biglang nawala, at hindi nagparamdam sayo ng isang araw, anong mararamdaman mo?" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa inis, frustration, pagod. Hindi ko alam.

"Of course, magaalala ako. Pero hindi kasing OA ng reaction mo." natawa ako ng pagak. Hindi ko alam kung anong pinupunto nya o kung ano ang gusto nyang ipalabas.

"OA? Matatawag o masasabi mo bang OA yun, Vanessa? Its a normal reaction of a friend who cared to his long time bestfriend. Normal lang yun para sakin, e. Alam mo kasi kung anong mali sayo? Lahat nalang ng bagay nilalagyan mo ng ibang kahulugan when in fact it was just normal. And you want another fact? Nakakasawa yang pagiging selosa mo. Lahat nalang pinagseselosan mo. Ang gulo gulo mo. Hindi kita maintindihan." inis na ginulo ko ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko lahat ng yun pero ang alam ko lang, inis na inis ako at mababaliw ako kung hindi ko mailalabas to.

" So, nagsasawa kana? Okay." walang mababasang reaction sa mga mata nya habang may tipid na ngiting makikitang sa mga labi nya. A sad smile.

Love or friendship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon