Czienaiyana Leihaine Salazar Clayton's PoV
"Anak sa labas." Tawag ko sa isang batang lalaki sabay tawa ng malakas.
Lumingon siya sa akin at tumingin ng masama.
"Czie, masama 'yan." Saway sa akin ni yaya Marie.
"Eh yaya, totoo naman, eh. Na anak naman siya sa labas. 'Yon yong sinabi ng yaya ni Clark sa yaya ni Andrea." Paliwanag ng aking batang pag-iisip.
"Kahit na. Masama pa rin ang ginagawa mo."
Lumabi na lang ako dahil sa pagkapahiya. Tiningnan ko muli si Clothier Udenies, 'yong anak sa labas. Nakatingin pa rin sa akin ng masama.
Kahit gano'n hindi ako sa kanya natatakot. Ang cute niya pa nga, eh.
"O, Czienaiya. Isang subo pa para makapaglaro ka na ulit." Sabi ni yaya.
Hingang malalim ang ginawa ko pagkagising dahil sa isang mala-totoong panaginip.
Parang nangyari na. At ang aking pinagtataka kung bakit may butil ng luha sa aking mata.
Tumingin ako sa bintana at nakita ang mga nyebe'ng nahuhulog.
It's winter.
Ilang taon na nga ako dito sa state? Simula noong sampung taong gulang pa lang ako. At ngayon ay labing-siyam na ako. Halos isang dekada na.
At sa tuwing unang araw ng paghulog ng mga nyebe ay ang araw din kung kailan nadadagdagan ang taon ko dito.
Ngunit iba ang araw na ito. Uuwi kami ngayon sa Pilipinas. Dahil patay ang ama ni Daddy. Si oppa lolo.
Clothier Udenies Diaz McIntosh's PoV
Here we go again. Libog na naman at kinakati ang nararamdaman nito.
Nilabas nito ang kaniyang alaga at sinimulan paligayahin ang sarili.
"Fuck, dude. Sa kwarto ka nga." Binato ni Clark si Harper ng unan.
Natigil ito sa ginagawa at tumingin sa gawi namin. "What?" Tanong nito. "Nakita niyo naman na, eh. At saka palagi ko naman 'tong ginagawa sa harap niyo, parang di pa kayo sanay."
"'Yon na nga, eh. Palagi na lang. Palagi na lang namin nakikita ni Cloud ang maliit mong alaga. Damn you." Sagot naman ni Clark na aking kinahalakhak. "Sa kwarto ka nga. Binababoy mo ang condo ko."
Nasa condo kami ngayon ni Clark. Tonight is one of our night out.
Tinago niya naman ang kaniyang alaga. "Tsk. Wala eh, 'di ako sinipot kanina ni Bea."
"Wala akong paki. Basta wag mong babuyin ang condo ko."
"Alam mo inggit ka lang. Kasi ako marami nang naikama. Eh, ikaw? Tatlo palang." Ito 'yong iniiwasa ko. Kapag ganto na ang usapin.
"Tumahimik ka. Alam mo nang nasa harap tayo ni Cloud."
"Ahh, ayos lang." Singit ko sa sinabi ni Clark.
"Tsk. Dude naman, eh. Hanggang ngayon pa rin." Tumabi sa akin si Harper at inakbayan ako. "Eh, hindi mo naman ipuputok sa loob, eh. Gagamit ka naman ng proteksyon at pwede mo namang gawin ang withdrawal method."
" Shit Harper. Huwag mo nang turuan si Cloud. Iba 'yan sa ating dalawa. Kahit wala pang nagiging babae 'yan mas malaki sa atin 'yan."
Tumawa nang malakas si Harper na kinangiti ko na rin.
Alam kong anak ako sa labas kaya hindi ko ginagawa ang bagay na 'yan. Natatakot akong mangyari sa anak ko ang nangyari, nangyayari, at mangyayari pa lang sa akin. Kahit pa na gawin ko ang sinabi ni Harper na gumamit ng proteksiyon at gawin ang method na 'yon. Natatakot ako.
Isa lang ang pag aalayan ko ng sarili ko. At siya si Iya. Ngunit malabo na iyong mangyari. Mamamatay na ata akong birhen.
Sa edad na sampu. Alam ko na kung sino ang mamahalin ko at naipangako na namin ang isa't isa sa sarili namin. Ngunit iniwan niya na ako.
Nasaan na kaya siya?
BINABASA MO ANG
Give Up : Fading Love (Give Up Trilogy 1)
Fiksi UmumWhen her love's fading. What will you do?