"Love comes to those who patiently wait."
A/N: Merry Christmas Babies! This is my Christmas gift for you, short story muna. Hindi ito heavy story, pampa-good vibes lang.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
6 – Foundation
ALAM niyang sinusundan ni Roue ang bawat galaw niya habang nagliligpit ng mga kalat. Inayos niya ang mga boxes at muling ibinalik sa storage area niya. Nakapagwalis na rin siya kaya okay na ang lahat. Naka-upo lang ang binata sa sofa at pinapanood siya, mukhang hindi yata ito nakatiis dahil hinawakan nito ang kanyang braso at marahan na hinila. Napa-upo siya sa kandungan nito.
"Pansinin mo naman ako." Parang batang reklamo nito sa kanya. "Pwede mo akong iligpit kung galit ka, pwede mo akong ikulong sa storage area at walisin. Pansinin mo lang ako Bless, please." Again, iniwas niya ang mga mata mula dito or else baka... baka... shit! Hinawakan nito ang mukha niya gamit ang mga palad nito at hinarap sa mukha nito. Their eyes met. Marahas siyang napabuntong-hininga.
"I am not mad, Roue. I told you, naiintindihan ko."
"That's more frustrating." Anito sa kanya. "Mas gusto kong sigawan mo ako at hampasin ng kung anu-ano keysa sa ganyan ka."
Natawa siya sa sinabi nito, this time it's a real laugh. "Crazy." Hinila nitong muli ang mukha niya at nataranta siya ng mapansin na hahalikan na naman siya nito. "What the hell Roue? Stop kissing me we are not in a relationship." Pigil niya dito. Lumapad ang ngisi ng binata.
"I like it better when you are like this, I hate it when you are all smiles and yet you are silently murdering me inside your brain." Nagsalubong ang kanyang dalawang kilay.
"I'm not."
"You may not say it but I can see it." Tinaasan lang niya ito ng kilay. She just crossed her arms infront her chest. "You are still beautiful even without your make-up. Sa tingin ko wala namang nagbago sa hitsura mo."
Sinubukan niyang tumayo sa kandungan ng lalaki pero hindi niya magawa dahil mariin ang pagkakahapit nito sa kanyang beywang.
"Alam mo Roue buong akala ko ay busy kang tao pero hindi ko inaasahan na magsasayang ka ng oras dito sa bahay ko." She sighed. "Salamat sa pagtulong sa akin sa pagdedecorate for Christmas, I'll fix our lunch. What do you want?" hinayaan na siya nitong makaalis sa kandungan nito ng mapansin na wala na siyang balak patulan ang mga panunukso nito sa kanya.
"I brought something." Hinawakan naman nito ang braso niya at dinala sa kanyang kusina. "I'll cook." Excited na balita nito sa kanya. He's really into cooking and this is his turf. Nakikita niya kung paano nagliliwanag ang mukha nito habang sinasabi nitong magluluto ito. "Do you want to help me?"
"Can I?"
"If you like." Ngumiti siya at sunod-sunod na tumango. Pinusod niya ang mahabang buhok upang hindi iyon makasagabal sa kanya. Inayos nito ang mga gagamitin nila at inalis nila ang mga sangkap na gagamitin mula sa ecobag. Base sa nakikita niyang ingredients ay alam na niya ang lulutuin nito. It's really his favourite dish, kahit na sa restaurant nito ay iyon ang best seller. "Why are you smiling?"