7 - Facial Mask

27K 582 12
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

7 – Facial Mask

NAG-INAT siya ng braso at iwinawasiwas ang mga daliri sa hangin, natapos na rin niya sa wakas ang ginagawang review at sa tingin niya ay na-i-feature niya ng tama ang lahat ng mga products na kailangan nila.

"What's this?" napatingin siya kay Ycia ang kanilang researcher na abala sa pagtingin ng mga bagong products na dumating. "Ang daming PR box ngayon at hindi lang iyon they are all international products. Wow, may mga facial masks din. Can I have some?"

"Sure, I want an intensive and detailed info about the products. The scent, the texture, you already know the drill." Ngumisi ang kausap.

"No problem." Masaya nitong kinuha ang box na puno ng mga facial masks. "By the way, masarap iyong lunch kanina. Iba na talaga kapag chef ang fiancé, free ang lunch." Inirapan lang niya ang kausap. Eight years na rin na nagtatrabaho si Ycia sa kanila bilang researcher, sa lahat ng mga nakasama niya ay ito ang saksi ng kabaliwan niya noon at ito lang din ang kaisa-isang naniwalang hindi imaginary na may fiancé siya.

"Ex na."

"Ang weird ng mundo right? Kung kailan ka nag-give up saka naman siya lapit ng lapit sa iyo. Baka natauhan." Umiling lang siya sa sinabi dito. Ayaw niyang bigyang kahulugan ang pinagagawa nito sa kanya.

"I better go now, kailangan ko pang mamili ng mga gifts."

"Umiiwas ka sa topic."

"I don't want to talk about that anymore, Ycia. Kilala mo ako, kung ayaw ko na ayoko na talaga. Masyado nang matagal ang eight years and I don't want to waste another eight years of my life waiting for nothing." Pinal niyang sabi.



WALA pa sa kalahati ang laman ng kanyang cart at wala pa sa kalahati ang mga nabili niyang mga gifts. Marami ang tao sa mall dahil na rin sa Christmas rush at isa siya sa mga taong iyon. "Aww." Reklamo niya at huminto sandali dahil sumasakit na ang kanyang mga binti. Her heels are killing her, she forgot to changed into flats. "I really need to buy flats." Aniya. Kapag nasa opisina siya ay madalas siyang nagsusuot ng high heels, it makes her feel so feminine and sexy kaya tiis-tiis talaga. But she'd prefer her flats when she's in a long walk.

"As much as I love to see you wearing heels, Bless. I'd prefer you wearing more comfortable." Ewan ba niya kung nababaliw lang siya o hindi pero kusang kumurba ang kanyang labi sa isang matamis na ngiti.

"How did you know I'm here?" ngumiti ang lalaki sa kanya.

"I asked and I followed you."

"Followed me? Really Roue, kailan ka pa naging stalker?" biro niya.

"Hmn, a few days ago." Lumapit ito sa kanya at biglang lumuhod. Napatingin sa kanila ang mga tao doon kahit na siya ay natigilan sa ginawa nito. Bigla siyang natuod ng hawakan nito ang kanang binti at inalis ang five inches heels niya, ganoon din ang ginawa nito sa kabila. Saka lang niya napansin na may bitbit pala itong box mula sa isang kilalang shoe brand. Kinuha ni Roue ang laman ng shoe box, it's a pair of pastel pink ballerina shoes that matches her outfit. Ito na rin mismo ang nagsuot ng sapatos sa kanya, the sole of the shoes makes her really feel comfortable. "Is it okay? Does it fit right?"

Black Magic: Pretty (COMPLETED)Where stories live. Discover now

An error has occurred. We're sorry about that!