10 - Primer

27K 607 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

10 – Primer

"ROUE, hindi lalaban sa iyo ang cellphone mo." Puna ng kanyang assistant chef. Ilang beses na niyang tinatawagan si Bless pero hindi niya ito ma-contact. "Apat na araw ka ng ganyan, today is Christmas eve dapat ay happy lang."

Christmas eve? Apat na araw noong huling nagkita sila ni Bless and since then ay hindi na niya ito nakikita. Wala ito sa opisina nito at wala ding tao ang bahay nito. Her parents don't even know where she is. He can't even cook damn it!

"Chef, fiancé mo pala ang girl crush namin." kumunot ang noo niya sa sinabi ng mga waitress nila. Girl crush? "Mukhang hindi na siya pupunta dito, dapat kanina pa siyang mga one PM as per schedule."

"What are you talking about?"

"Iyong magandang babae na nagpunta dito four days ago, sabi nila fiancée mo raw iyon. Palagi na namin siyang nakikita dito lalo na kapag Christmas eve, kapag valentines day, kapag January two at kapag birthday mo."

January two? That's her birthdate.

"Pero noong bago lang tayo mag-open ay halos every week na nandito si Ms. Pretty, sabi niya masarap ang food natin kaya nandito siya. But it stopped, three years after ay iyong apat na dates nalang siya nagpupunta dito sa Wild Thyme."

"Madalas si Bless dito? Bakit hindi niyo sinabi?" Napakamot ang kanyang mga staff ng ulo at mariin siyang napapikit. "Of course." Sagot niya sa kanyang sariling kagaguhan. Walang alam ang mga ito na may fiancée siya, he is deliberately hiding it from everyone. Habang ang dalaga ay alam ng mga taong nakapaligid ang tungkol sa kanya. Mas lalong hindi gumanda ang pakiramdam niya. "I'm such a jerk, right?"

Ngayon lang nagsink-in sa kanya ang mga dahilan kung bakit gustong putulin ni Bless ang engagement sa kanya. She's waiting for him, she's silently waiting for him and she's right, she waited for him for eight long years and yet he didn't even look at her not until she gave up. Alam niyang nagtataka ang mga ito sa kanyang kinikilos, they never saw him like that. He's always cool and composed but he's definitely not like that.

"Everyone, let's call it a day. Umuwi na kayo sa mga pamilya niyo at aayusin ko naman iyong akin."



"BLESS, huwag ka ng magalit sa akin." Kulang nalang ay lumuhod si Lois sa harap niya. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako."

"Lois, I'm not really mad." Apat na araw rin siyang hindi lumalabas ng kanyang bahay. Sa totoo lang ay tinamad siyang kumilos, kahit na ang buksan ang ilaw ay hindi niya magawa. Nasa loob lang siya ng kanyang silid, she set her phone to airplane mode so no one can access her. Mahaba-haba ang leave niya kaya ginamit niya iyon upang magpahinga, matulog at pigilan ang sariling umiyak.

Black Magic: Pretty (COMPLETED)Where stories live. Discover now