Ezumi's POV.
Kanina pa tawa ng tawa si Blaze, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sinabi ko na hindi ako maiinlove? Totoo naman ah.
"Hahahaha! Ang cute mo! Hahahaha" Tawa pa rin siya ng tawa. Aba malay ko diyan, mamatay sana siya sa kakatawa niya.
"Tch." Sarap niyang bunutan ng buhok sa ilong!
"Hindi ko naman kasi sinabing mainlove ka din saakin! Haha." Waah! Sarap niyang sipain sa eggs niya!
"Che!" I rolled my eyes.
"Hahaha. Ang cute mo." Napangiti nalang ako sa sinabi niya at nagulat nung niyakap niya ako.
Wait. What!???!!!
NIYAKAP?!
I froze.
"B-blaze, a-ano ba?!" Mataray pero nauutal kong suway.
"Baby..." malambing niyang sabi.
"Baby ka diyan! Bitaw nga." Nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya.
"HAHAHAHAHHA!" Tumatawa nanaman siya.
"Manahimik ka nga! Nakakairita sa tenga yang tawa mo!" I rolled my eyes.
"Oo na, hahaha! Mamaya mainlove ka pa lalo." Ngumiti lang siya saakin ng nakakaasar.
Argh! This guy is going to my nerves.
"Manahimik ka na Blaze!" Nagiinit na talaga ulo.
Tumayo ako at kinuha na ang gamit ko saka lumabas padabog ng room.
Gusto ko mapag-isa. 3 tao ang nakapagbeast mode saakin ngayong araw.
Naglakad lakad lang ako, hanggang sa dinala ako ng mga paa ko dito sa garden.
Ang fresh na hangin, makukulay na bulaklak, nagsasayawang mga puno, mga bench na maaayos, fountain na malinis ang tubig, mga estudyanteng masasaya.
Sarap sa feeling. Yung ganito lang buhay mo. Wala kang iintindihin.
Kung kasama ko pa rin ba si Yaya Helen ganito ako kamaldita? Ganito ang ugali ko?
Sana hindi ko siya natulak, sana hindi ako hyper nung panahon na 'yon edi hindi sana siya naaksidente.
Oo, naaksidente siya...nung 8years old, naaalala ko pa rin 'yon. Malinaw na malinaw pa rin saakin ang pangyayari na 'yon. Ang bigat sa pakiramdam.
Si Yaya Helen ang tumayong magulang ko nung panahon na laging nasa business ang parents ko. Naiintindihan ko naman sila, ginagawa nila 'yon para saamin.
Pero si Yaya, andiyan siya palagi kapag binubully ako, siya lagi ang umaattend sa school activities ko kung kailangan, siya ang nagaadvice saakin, siya yung magagalit kapag mali ang ginawa ko at tuturuan ako ng tama.
Sana andito pa rin siya. Sana hindi ko siya natulak. Edi sana mabait akong bata ngayon? Haha.
Naramdaman kong basa na ang mga pisngi ko, hindi.naman umuulan.
"Miss, panyo oh." Nakita kong may nakalahad na panyo sa palad ng lalaki, iniaabot niya saakin.
"B-bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Naiyak ka kasi." Tumabi siya sa tabi ko, hala naman tumabi siya sa harap ko.
"Iyak? Ako? Ako umiiyak?" Kinuha ko ang mini mirror ko sa bag at tumingin kung umiiyak ako. "Ay oo nga, sorry." Naiyak na pala ako, hindi ko na namalayan.
"Etoh panyo, pamunas." Ngumiti siya saakin, kinuha ko iyon at pinampunas sa luha ko.
"Thank you." I smiled.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Love (ON-GOING)
Teen Fiction"Hindi nga ako maiinlove! Ang kulit!" - Ezumi Faye Dione.